Ricky Davao, Benedict Mique at Gina Alajar
NAPAKARAMI pang magaganda at makabuluhang pelikula na nakatakdang gawin ang Lonewolf Films na pag-aari ng scriptwriter at direktor na si Benedict Mique.
Ilan sa mga ipinrodyus ng Lonewolf ay ang award-winning movie na “ML” na pinagbidahan ng yumaong veteran at premyadong aktor na si Eddie Garcia kasama si Tony Labrusca, “Fluid” ni Roxanne Barcelo, “Momol Night” nina Kim Molina at Kit Thompson.
Nakachikahan namin si Direk Benedict kamakailan at ibinalita nga niya sa amin na looking forward sila sa mga naka-line up pa nilang mga pelikula sa mga susunod na taon.
Kung hindi kami nagkakamali, may mahigit 10 pa silang proyekto na kailangang tapusin para sa iba’t ibang platforms. Kasado na raw ang mga ito at naghihintay lang sila ng tamang panahon para sa pagsisimula ng shooting ng buong production.
Nabanggit ng “Darna” director na matagal-tagal na rin ang Lonewolf sa larangan ng pagpo-produce at umaasa sila na makagagawa pa sila ng mas maraming pelikula para na rin sa mas ikabobongga ng movie at TV industry.
Kuwento ni Direk Benedict tungkol sa kanyang journey sa entertainment industry, “I could have been a director 10 years earlier but you know what they say, that it takes 10,000 hours to perfect a craft.”
Aniya pa hinggil sa kanyang istilo sa pagtatrabaho, “I am strict. Others may think I am berating my writers but I want them to learn. I am being paid to comment. If you’re a creative consultant, everything you say about a material is being paid.”
Dagdag pa niya, “When I provide my concepts, those are like my children. When you’re getting me, you’re getting 24 years of TV and film experience.”
Masayang ibinalita ni Direk, na siya ring nasa likod ng mga premyadong “Maalaala Mo Kaya” episodes, “On The Wings of Love”, “Born For You”, “Till I Met You”, na may mga niluluto na ring bonggang proyekto ang Lonewolf Films para sa Viva Entertainment, Net25 at iWantTFC.
Samantala, sa Facebook page naman ni Direk Benedict, ibinandera nga niya ang pagsisimula ng latest project ng Lonewolf Films na pagbibidahan nina Gina Alajar at Ricky Davao.
Sa ipinost niyang litrato kasama ang dalawang movie icon, ito ang caption na inilagay ng direktor, “Another dream project with a dream cast on the way for net25 and Lonewolf Films. So excited with this project.
“After pitching to different producers and different actors who would have known na ito magiging cast namin. Just thinking about these actors portraying characters that you imagined give me the chills.
“I was the first producer/creator who pitched sa net25 and this is the first concept na nagustuhan nila.
“A big thank you to Net25 for the trust and for their bravery in producing a material like this that tells the story of senior citizens in our country!” pahayag pa ni Benedict Mique.
Sa isa pa niyang FB post nakalagay ang, “How lucky we are in doing the
things we love and get paid for it. Happy first day Monday First Screening. Senior Citizen Romcom and more.”
Joshua, Janella walang arte-arte sa ‘laplapan’ scene; Direk Benedict Mique may pa-shoutout sa lahat ng nakikilipad kay Darna
‘Darna’ director Benedict Mique may pa-surprise sa 5 kabataang nangangarap maging scriptwriter
Part 2 ng laplapan nina Joshua at Janella sa ‘Darna’ inaabangan na; Direk Benedict Mique may inamin tungkol kay Ricky Lee