Chito tinawag na blessing si ‘Ate P’: I just want her to be ours, she’s such a good ate kina Miggy at Cash
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Chito Miranda, Neri Miranda, Pia, Piggy at Cash Miranda
SA kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento ang celebrity couple na sina Chito Miranda at Neri Naig-Miranda tungkol sa kanilang adopted daughter na si Pia.
Ito’y mapapanood sa bagong YouTube vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila kung saan napag-usapan nga ang naging proseso para maging legal nilang anak ang bagets.
Ayon kina Chito at Neri, mula daw nang dumating sa kanila si Pia ay itinuring na nila itong tunay na anak, at pinaglalaanan din ng pagmamahal at sapat na atensyon tulad ng ibinibigay nila sa dalawa pa nilang supling.
Ayon sa vocalist ng bandang Parokya ni Edgar, mahalaga para sa kanya ang legal na pag-aampon para mas maging maayos at malinaw ang lahat para hindi lang para sa mga magulang pero mas lalo na sa bata.
“Sa akin important because para lang to avoid confusion. When I told her na we wanted to be her legal (guardians) parang siya, ‘Finally I can call you daddy’ parang yun na importante sa akin.
“Everything else is just for formalities pero yun talaga yung goal ko, I just want her to be ours. She’s such a good ate kay Miggy pati kay Cash,” lahad ng singer-songwriter.
Itinuturing din nina Chito at Neri ang kanilang “Ate P” na isang blessing sa kanilang mag-asawa at talagang matagal niyang hinintay na magamit ng kanilang panganay ang kanyang apelyido.
“We consider her as a gift from God, from heaven kasi lagi namin sinasabi na some children are born of you, galing sila sa ’yo.
“And sometimes God chooses the parents for them and I think that’s the role that we’re playing, we consider her as a gift and she’ll be legally ours soon,” mariing sabi ni Chito.
Isa pa raw sa ipinagpapasalamat nila sa Diyos ay ang pagiging super close ni Ate P sa mga kapatid niyang sina Miggy at Cash.
“She’s such a blessing talaga kasi makikita mo na alagang alaga niya si Miggy and si Miggy also mahal na mahal siya. Since day one, she’s been our daughter,” ani Chito.
Matatandaang naisyu pa noon si Ate P dahil napagkamalan siyang anak ni Chito sa pagkabinata.
Nilinaw agad ito ni Neri at sinabing, “Sa mga Maritess, Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na yan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento.”
Ikinasal ang celebrity couple sa isang garden wedding ceremony noong December, 2014.