Dimples Romana may bagong socmed milestone, umabot na sa 4M ang IG followers Bandera

Dimples Romana may bagong socmed milestone, umabot na sa 4M ang IG followers

Pauline del Rosario |November 19,2022
share this

Dimples Romana may bagong socmed milestone, umabot na sa 4M ang IG followers

Pauline del Rosario - November 19, 2022 - 12:39 PM
Dimples Romana may bagong socmed milestone, umabot na sa 4M ang IG followers

PHOTO: Instagram/@dimplesromana

MAY four million Instagram followers na ang Kapamilya actress na si Dimples Romana!

‘Yan ang proud na ibinandera ng aktres sa kanyang social media.

Sey niya sa isang IG post, “We are now 4 MILLION strong (flexed biceps emoji) (clinking glasses emoji)”

Lubos din siyang nagpapaslamat sa natatanggap niyang pagmamahal, suporta, at inspirasyon.

Caption niya, “Just turned 38, grateful for you, your love, support and inspiration.

For the gift of life, family, friendship, infinite possibilities and global recognition (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Dahil diyan, maraming kapwa-celebrities ang bumati sa kanya.

Ilan lamang sa mga nag-comment ay sina Bea Alonzo at Rica Peralejo.

Bukod sa mga artista, natuwa rin ang maraming fans at heto ang ilan lamang sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congrats Maaaaaa, proud of you always.”

“Happy 4M po (clapping hands emoji)”

“Grabe na this! You make us proud (red heart emoji)”

“Dusurv! Congrats ate dimps! (heart eyes emoji)”

Ibinahagi niya rin sa post na siya’y kasalukuyang nasa Amerika upang irepresenta ang Pilipinas sa isang award-giving body.

Chika niya, “Now in New York City proudly wearing @_ha.mu_ representing (Philippine flag emoji) as a juror for this year’s @iemmys (folded hands emoji) (smiling face with hearts emoji)”

Matatandaan noong Hunyo, inanunsyo ni Dimples na may malaking papel siyang gagampanan sa prestihiyosong “International Emmy Awards.”

Dahil sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang inanyayahan bilang juror sa 50th anniversary ng nasabing event.

Isa si Dimples sa mga pipili sa mananalong “Best Television Programming.”

Ang International Emmys ay isang award-giving body na kumikilala sa mga TV shows na napapanood sa labas ng U.S.

Related chika:

Dimples Romana nag-celebrate ng 38th birthday kasama ang mga batang-kalye, nag-share ng blessings

Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?

Dimples Romana nakaranas ng matinding postpartum depression: ‘I wake up in the morning and feel sad right away’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending