Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to

Vice Ganda namigay ng P300,000 sa 'Showtime' staff: Sobrang mahal na mahal ko 'tong mga 'to

IBINANDERA ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung gaano siya ka-grateful sa lahat ng staff ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Matapos nga ang kanyang “Magpasikat” performance kasama si Amy Perez bilang parte ng kanilang 13th anniversary ay ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga staff at crew na nasa likod ng tagumpay ng kanilang programa.

“Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to. Alam mo, sobrang simple lang ng mga staff na ‘yan,” pagbabahagi ni Vice.

Humingi rin ng paumanhin ang Phenomenal Star sa kanyang mga naging kakulangan maging sa mga oras na hindi sila nagkakasundo.

“Napakalaki ng ginagawa niyo para sa programang ito. I would personally like to apologize kung meron tayong minsan hindi pagkakaunawaan,” lahad ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Lahat ‘yun nangyayari lang dahil pinipilit nating gampanan ang ating mga obligasyon para sa programa, sa audience natin, sa network. Lahat naman ng iyon, all coming from love. Hindi maiiwasan iyon sa isang pamilya.”

Matapos ang message ni Vice sa lahat ng bumubuo ng “It’s Showtime” ay tinanong niya kung ilan ang staff at nag-pledge ito ng P300,000.

Bukod sa mga staff ay namigay rin ng 10 wheelchairs sa madlang pipol bilang pagbibigay pugay sa kanilang mga nakasama sa kanilang performance na mga persons with disabilities.

Hindi naman na ito ang unang pagkakataon na ibinandera ng komedyante ang kanyang pagmamahal at pagiging generous sa mga staff dahil noong May 2022 lang nang namigay siya ng P5,000 sa bawat empleyado ng Kapamilya noontime show bilang early Christmas gift.

 

Related Chika:
Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

 

 

Read more...