AGAD na nag-trending sa Twitter ang tila mainit na sagutan ng dalawang senador na sina Cynthia Villar at Raffy Tulfo ukol sa pagbili ng private developers ng farmland para i-convert ito bilang subdivision at commercial spaces.
Nangyari ang sagutan ng dalawa sa naganap na 2023 national budget deliberation ng Department of Agriculture (DA).
Tinanong ni Sen. Raffy Tulfo ang nangunguna sa Senate Committee on Agriculture na si Sen. Cynthia Villar patungkol sa plano nito sa lumiliit na agricutural lands sa mga probinsya.
“Lumiliit po nang lumiliit ang ating farmland. Binibili po ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land. Ano po ang ginagawa ng DA tungkol dito?” pagtatanong ng lalaking senador.
Sagot naman ni Villar kay Tulfo, “Alam ninyo that’s our business, I want to tell you that we don’t buy agricultural lands in the provinces. Nobody will buy houses on agricultural lands.”
“Because the buyer of houses, they want also an opportunity that if they’re having financial problems, they can resell their houses and you know, it’s very hard to sell houses [if it’s] not in cities or capital towns. So we limit ourselves in cities and capital towns,” dagdag pa ng senadora.
Giit rin ni Villar, kadalasan raw na binibili ng mga developers sa siyudad at capital towns para mas madali sa mga tao na ibenta ang property.
Pagsalungat naman ni Tulfo, mayroon raw siyang pruweba na marami sa mga farm lands ang ginagawang subdibisyon at ito raw ang dahilan bakit ipinasa niya ang National Land Use Act.
“They allow conversion in cities and capital towns because if they buy your land, they buy it expensive and you can reinvest the money and you will make more money than planting on those lands,” sagot ni Villar.
Pagpapatuloy niya, “It’s an investment decision for these people. If somebody will buy your land at a bigger amount, maybe, you can sell it and buy another land that is cheaper somewhere else and build your farm there. You have to understand agriculture as a business also.”
Nang muling tinanong ng senador si Villar patungkol sa aksyon na gagawin ng Department of Agriculture ukol sa problema sa lupa, sinagot siya nito ng “Where will the people live if you don’t build subdivisions?”
Diretsahanan naman siyang sinagot ni Tulfo at sinabing, “Sorry po, madam ha. Hindi lang po sa Cauayan sa Isabela kundi sa marami pong probinsya na marami na pong subdivision na nagsilipana.
Hirit pa niya, “Marami pong ibang lugar na pwede pong pagtayuan ng subdivisions. ‘Wag lang po i-take over ‘yung mga farms. Kung minsan ‘yung mga farmers dahil sila ay naghihikahos, they are taken advantage of.”
Isa sa mga kilalang negosyo na mayroon ang mga Villar ay Vista Land and Lifescapes Inc., isang property developer ng mga subdivisions at maging ng retail industries.
Related Chika:
Sen. Cynthia Villar pinahihinto ang pagbibigay ng rice import permits
Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!
Raffy Tulfo nalagasan ng libu-libong subscribers sa YouTube, dahil nga kaya sa pagkanta sa ASAP?