Justine Felizarta nasa Vietnam na para sa Miss Tourism World pageant; Bb. Pilipinas International Hannah Arnold binigyan ulit ng send-off

Justine Felizarta nasa Vietnam na para sa Miss Tourism World pageant; Bb. Pilipinas International Hannah Arnold binigyan ulit ng send-off

KASALUKUYANG nasa bansang Vietnam ang ating pambato na si Miss Tourism World Philippines Justine Felizarta.

‘Yan ay para sa inaabangang Miss Tourism World 2022 pageant na mangyayari sa December 3.

Kahapon lamang ay masayang ibinalita ni Justine na ligtas siyang nakarating sa Vietnam.

May caption pa siya sa isang Instagram post na sinabing, “safely made it here and thankful for all the staff at @cebupacificair for being so accommodating during my flight! (blue heart emoji)”

Aniya, “SO EXCITED TO EXPLORE VIETNAM with @misstourism and try the delicious Vietnamese cuisine!”

May update din siya ngayong araw, November 18, at excited naman niyang sinabi na nagkaroon sila ng shooting.

Sey niya sa IG, “Day 2 in Ninh Binh, Vietnam and we’re currently heading to Trang An to shoot the traditional dresses in Vietnam and also do some sightseeing in that area!”

Samantala, nabigyan ulit ng send-off party ang pambato naman natin sa Miss International competition na si Hannah Arnold.

Sa pagkakataong ito, ang Binibining Pilipinas organization ang nanguna.

Inilarawan pa nga ito ni Hannah na isang “dream come true” para sa kanya.

“A dream is a wish your heart makes when you’re fast asleep and this is truly a dream come true to finally have my own @bbpilipinasofficial send off for @missinternationalofficial (pleading face emoji) (white heart emoji),” sey niya sa post.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng send-off ang Department of Science and Technology (DOST) para sa beauty queen na graduate ng “Applied Science in Forensic Studies.”

Proud niya pang sinabi sa isang Instagram post, “My two passions have truly come together: Science & Pageantry (purple heart emoji),” panimula niya sa caption.

Malapit-lapit na rin ang laban ni Hannah na mangyayari naman sa Tokyo, Japan sa December 13.

Related chika:

Huling tawag para sa mga aplikante ng Mutya ng Pilipinas pageant sa Nob. 20

Pilipinas itinanghal na world’s leading beach at dive destinations

8 billionth baby ng Pilipinas, ipinanganak sa Maynila

Read more...