NAKATAKDANG magtapos ngayong araw sa Egypt ang 2022 United Nations Climate Change Conference, na tinatawag ding COP27, at ibinahagi ng mga reyna ng Miss Earth ang saloobin nila kaugnay ng taunang pagtitipon ng mga pinuno na ilang dekada nang isinasagawa.
Sinabi ni reigning Miss Earth Destiny Wagner na kung makapagsasalita lamang siya sa conference, “I would highlight the natural disasters” sapagkat binagyo lang kamakailan ang bansa niya, at nahirapang makatugon kahit category 1 lang iyon.
“Belize is one of the smaller nations there. So when bigger countries are polluting or throwing their trash into landfills and into the sea, the smaller countries are the ones that are affected by it, and in doing so we increase the chances of natural disasters,” sinabi niya sa Inquirer welcome dinner para sa patimpalak na ipinatawag sa Versailles Palace sa Muntinlupa City noong Nob. 6.
Nais naman ni Sheridan Mortlock mula Australia na pagtuunan ng pansin ng mga pinuno ang “unnecessary” na single use plastics. “I say unnecessary, I want to highlight that, because we still need single use plastics in things such as hospitals and nursing for health,” aniya.
Pagpapatuloy pa ng mag-aaral ng global sustainability at politics: “Things such as takeaway cutlery or, for example I’ve seen groceries plastic wrap fruit and vegetables that does not need to be plastic wrapped, even bananas, which come in their own natural bag, that’s just totally unnecessary and we can get rid of it straight away.”
Nais naman ni Jessica Cianchino mula Canada na hikayatin ang mga pinunong nagtipon sa COP27 na isaalang-alang din ang mental health sa pagbabalangkas ng mga hakbang kaugnay ng climate change.
“What is close to my heart is ‘eco therapy.’ So I will try to implement more green spaces in medical institutions, in hospitals, in buildings. Because I think that the connection between humans and nature is so vital to our health,” ibinahagi ng kandidatang Filipino-Canadian na second runner-up sa 2019 Miss Asia Pacific International pageant.
Umapela naman si Mina Sue Choi mula Korea sa mga pinunong nagtipon sa Egypt na samantalahin ang kasalukuyang teknolohiya at kaalaman upang tugunan ang climate change.
Hinikayat din niya ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga negosyo, at sinabi pang “I think as Miss Earth Korea, I’m also like an environmental activist. It’s my role to influence the most I can.”
Samantala, ipinagtanggol naman ni Andrea Aguilera ng Colombia ang halaga ng kumperensya ng United Nations kahit pa nahaharap pa rin sa climate crisis ang mundo sa kabila ng tatlong-dekadang pagsasagawa ng COP.
“Unfortunately, climate change has affected us for a long time, and we just started to be responsible for this problem in the last 30 years. So we have a very, very, bad situation because of the time we didn’t take action,” sinabi ng 2021 Miss World Top 13 finisher.
Para kay Wagner, dapat ipagpatuloy ng United Nations at ibang mga lupon ang pagtatalakay sa climate change at ibang usaping pangkalikasan. “It’s just about bringing awareness and countries together and letting other countries know ‘hey, this is what we’re doing well, and it’s working in my country so maybe you should implement it as well,’” ipinaliwanag niya.
Isasalin niya ang korona niya sa kaniyang tagapagmanang hihirangin sa 2022 Miss Earth coronation program sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nob. 29.
Apat na Pilipina na ang nakasusungkit ng korona—sina Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angelia Ong noong 2015, at Karen Ibasco noong 2017.
Ngayong taon, ang American-Filipino psychology student na si Jenny Ramp mula Tarlac ang kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang patimpalak.
Related Chika:
Beauty queens dumagsa uli sa Pilipinas para sa 2022 Miss Earth pageant
Miss Earth 2019 Nellys Pimentel nasa Pilipinas muli
Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan