Iwa Moto shookt sa pulubing nanlilimos sa kanya, tumatanggap raw ng GCash

Iwa Moto shookt sa pulubing nanlilimos sa kanya, tumatanggap raw ng GCash

NAWINDANG ang celebrity mom at dating “Starstruck” avenger na si Iwa Moto sa batang pulubing nanlilimos sa kanya.

Ibinahagi nga niya sa kanyang TikTok account noong ang nakakalokang ganap niya nang minsan siyang pumunta sa isang tindahan para mamili.

“Story time, may binili ako sa isang shop dito sa loob ng village namin. So pagpasok ko, I did not bring anything. Hindi ako nagdala ng bag. Ang dala ko lang ay susi ng kotse tsaka telepono ko kasi nga may e-wallet naman doon,” pagbabahagi ni Iwa.

Matapos nga niyang mamili ng mga bagay na kinakailangan niya ay lumabas na siya ng naturang shop at doon niya nakita ang tatlong bata na nag-aabang sa kanya.

Chika pa ni Iwa, “Sabi nung pinakamatangkad, ‘Ma’am, ma’am, pangkain lang po kasi gutom na kami’. Sabi naman nu’ng middle na bataa, para raw makauwi na sila.

“So sumagot ako. Sabi ko, ‘wala akong barya e’… Alam n’yo ba kung anong sabi nung maliit na bata? ‘Ma’am, ako po tumatanggap ng GCash.”

Kaya naman laking gulat ni Iwa at napatanong na lang sa batang maliit at muli nga nitong sinabi na tumatanggap siya ng pera sa pamamagitan ng e-wallet app at naglabas pa nga raw ito ng telepono.

Napakunot na nga lang ng noo ang aktres at na-speechless sa nasaksihan sa batang maliit.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. And take note, inabangan nila akong tatlo sa pintuan,” dagdag pa ni Iwa.

Umani naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang ibinahagi ng dating Kapuso star.

“Lupet naka gcash ba nakikisabay din daw po sa trend,” saad ng isang netizen.

@iam_iwaRandom hanash😝♬ original sound – Iwa Moto

Comment naman ng isa, “Iba na ang level nila… from sobre to ampao to gcash.”

May netizen rin na nabahala sa ibinahaging kwento ni Iwa.

“Are kids allowed to get gcash since they have to show ID proof with age when signing up for an account?” sey ng netizen.

Related Chika:
Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping

Iwa Moto beast mode sa babaeng nang-aasar kay Pampi Lacson: Wag ka nang papakita sa akin, wag ka na ring tatawag sa BF ko!

Iwa Moto kinontra si VP Leni, naglabas ng ebidensiya para idepensa si Lacson

Jodi kay Iwa Moto: Nagpapasalamat ako sa pagiging ikalawang ina ng anak ko!

Read more...