Iwa Moto beast mode sa babaeng nang-aasar kay Pampi Lacson: Wag ka nang papakita sa akin, wag ka na ring tatawag sa BF ko! | Bandera

Iwa Moto beast mode sa babaeng nang-aasar kay Pampi Lacson: Wag ka nang papakita sa akin, wag ka na ring tatawag sa BF ko!

Ervin Santiago |May 31,2022
facebook
share this

Iwa Moto beast mode sa babaeng nang-aasar kay Pampi Lacson: Wag ka nang papakita sa akin, wag ka na ring tatawag sa BF ko!

Ervin Santiago - May 31, 2022 - 11:28 AM

Ping Lacson, Pampi Lacson, Iwa Moto, Hiromi Aiko Eve at Caleb Jiro

IMBIYERNA ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto sa isang babae na nang-aasar sa live-in partner niyang si Pampi Lacson.

Tinawag niyang “Karen” ang nasabing girl na nanunukso raw kay Pampi sa babaeng nirereto nito noon sa anak ni Sen. Ping Lacson.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, binantaan pa ni Iwa ang tinutukoy niyang girl at sinabihang huwag na huwag nang tatawagan si Pampi.

“Girl kung aasarin mo si Pampi sa babaeng nirereto mo sakanya dati. Siguraduhin mong di ko naririnig ah.

“Karen (di ko alam last name) wag ka na papakita sakin ah. Wag ka na din tatawag sa boyfriend ko. Pinag iinit mo ulo ko eh,” ang warning pa ng aktres at celebrity mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)


Samantala, idinaan din ni Iwa Moto sa social media ang pagbati sa kaarawan ng kanyang longtime partner last Sunday, May 29.

Nag-post si Iwa sa Instagram ng litrato nila ni Pampi kasama ang kanilang pamilya at nilagyan ng caption na, “Happy birthday @iampampi. We love you dada. Thank you for being our Hero mahal. You are such a great person.”

May dalawa nang anak ang mag-partner, sina Hiromi Aiko Eve, 7, at Caleb Jiro, 2. May anak din si Pampi sa Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria, ang teenager na ngayong si Thirdy.

Iwa Moto sa pagkatalo ni Ping Lacson: You’re still our champion, you are our hero…it’s not your loss

Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping

Anak ni Jodi bina-bash ng netizens; niloko nga ba ang dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending