Jodi kay Iwa Moto: Nagpapasalamat ako sa pagiging ikalawang ina ng anak ko! | Bandera

Jodi kay Iwa Moto: Nagpapasalamat ako sa pagiging ikalawang ina ng anak ko!

Reggee Bonoan |January 15,2018
facebook
share this

Jodi kay Iwa Moto: Nagpapasalamat ako sa pagiging ikalawang ina ng anak ko!

Reggee Bonoan - January 15, 2018 - 12:01 AM

ISA sa mga itinuturing na blessing ni Jodi Sta. Maria sa kanyang buhay ay ang friendship nila ni Iwa Moto, ang partner ngayon ng kanyang dating asawang si Pampi Lacson. Si Iwa raw ang nagsisilbing second mother sa anak nila ni Pampi na si Thirdy.

“Ako I am very happy din sa relationship nila and I am very thankful din doon sa friendship namin ni Aileen (Iwa) at nagpapasalamat ako kasi si Aileen din ‘yung tumatayong pa-ngalawang ina ni Thirdy ‘pag nandoon siya sa daddy niya. And of course doon sa nag-blossom na friendship namin,” ani Jodi sa panayam ng mga reporter sa presscon ng bago niyang serye, ang Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Robin Padilla at Richard Yap.

“Alam mo siguro parang there is no greater feeling na malaman mo na ‘yung anak mo minamahal siya and natutuwa ako na parang ‘yun nga sinasabi namin lagi kay Thirdy na hindi man talaga nag-work out ‘yung sa amin ng daddy niya pero ‘yung aming little family, ‘yung blended fa-mily namin di ba, parang mas dumami ‘yung mga taong nagmamahal sa kanya,” pahayag pa ni Jodi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending