Iwa Moto kinontra si VP Leni, naglabas ng ebidensiya para idepensa si Lacson
Iwa Moto at Ping Lacson
NAGLABAS ng ebidensiya ang dating aktres na si Iwa Moto na magpapatunay na marami ring nagawa ang lolo ng mga anak niyang sina Mimi at CJ na si Sen. Ping Lacson na tumatakbo ngayong pangulo ng Pilipinas.
Si Iwa ang kasalukuyang karelasyon ng anak ng senador na si Pampi Lacson at may dalawa na nga silang anak.
Sa panayam kasi kay Vice President Leni Robredo ni Boy Abunda na mapapanood sa YouTube channel nito ay sinabi ng isa pang presidential aspirant na kulang sa “on the ground” si Sen. Ping kaya hindi siya dapat iboto para pamunuan ang Pilipinas.
Kaya sa kanyang Instagram stories, nag-post si Iwa ng napakaraming clippings na nagpapakita ng mga nagawa ng senador na may hashtag na #groundworkwithrisks.
“Groundwork dba kamo?” ani Iwa sabay latag ng mga clippings ng mga achievements ni Sen. Ping tulad ng mga nahuling holdapper, bank robbers, NPA terror plot sa Cebu revealed at marami pang iba.
Ang pinakakontroberysal ay ang Kuratong Baleleng case bukod pa sa pagkakabawi niya sa kidnap for ransom gang kay President at CEO ng Robinsons Retail Holdings Inc. ngayon na si Robina Gokongwei Pe.
Maraming naresolbang kaso noon si Ping noong na-assign siya sa PC-INP Anti-Carnapping Task Force.
Ibinahagi rin ni Iwa ang post ng dating kasamahan ni Lacson na si Michael Ray Aquinon, “Ground Work of Sen Ping Lacson. For starters, 30-years in the military and police service starting as an intelligence operative is no small feat. Not your ordinary intelligence operative but a multi-awarded and decorated officer.
“I should know. Sen Lacson and I along with other officers and our men conducted hundreds of succesful field operations and fought against organized crime groups in the past. He was on the ground with us even when he was already a general. This is also called Leadership by Example.”
At madaling araw na ng Huwebes nang matapos si Iwa kaya ang sabi niya, “Tired…Goodnight.”
Samantala, mula naman sa OFW na si Wax Joaquin ay nakapagpasiya na raw siya kung sino ang ibobotong presidente ng bansa pagkatapos niyang mapanood ang interview ni Lacson.
“After watching Boy Abunda’s interview with Ping Lacson. I might. He’s got a lot of points during the interview that resonate to what I am looking for. Especially, dun sa digitalization ng lahat ng governement agencies.
“Bilang isang Filipino, watching this interview really inspires you that there is hope for the Philippines,” aniya pa.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/289566/skeleton-sa-closet-ni-ping-lacson-muling-lalabas-nga-ba
https://bandera.inquirer.net/294945/iwa-moto-sa-mga-nagbabangayan-ukol-sa-politika-respect-one-another
https://bandera.inquirer.net/292170/iwa-ipinagtanggol-si-lacson-sa-patutsada-ni-duterte-nina-ibinandera-ang-pagmamahal-kay-mister
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.