UMABOT na sa 8 bilyon ang populasyon ng buong mundo nitong Martes, November 15 matapos ipanganak ang “8 billionth baby of the world” sa Dr. Jose Fabella Hospital sa Sta. Cruz, Manila.
Bandang ala una ng madaling araw nang isilang no Maria Margarita, 26, mula sa Tondo, Manila ang kanyang healthy baby girl na siyang tinaguriang “symbolic baby” ng Pilipinas.
Pagkukwento ni Maria, dinala na siya sa ospital upang masiguro ang kaligtasan nila ng kanyang anak dahil anim na araw na rin siyang nagle-labor.
Super happy naman ang 26 anyos na malamang ang kanyang little girl ang naging “symbolic baby” ng bansa at wala raw siyang ibang kahilingan kundi lumaki itong malusog.
Nakilala ang 8 billionth baby ng buong mundo bilang si Vinice Mabansag.
Nakatanggap nga rin ng cake ang mag-ina base na rin sa Facebook page ng Commission on Population and Development NCR.
“The world welcomes Vinice Mabansag of Delpan,Tondo as the 8th billion baby from the Philippines. #8Billionthbaby,” caption ng komisyon.
Ayon naman sa isa pang Facebook post ng CPD-NCR, bumaba ang fertility rate ng Pilipinas.
“Despite expected increase in the fertility of Filipino women because of impeded access to family planning services during lockdowns and quarantine protocols, as well as the world’s total headcount projected to hit 8 billion on November 15, the Philippines was able to register recent population statistics unheard of in years, with fertility numbers plummeting to less than two offspring per woman.
“This was revealed during the Philippine Statistics Authority’s (PSA) National Health Demographic Survey (NDHS) 2022 Dissemination Forum last Friday, November 11, where it was announced that the total fertility rate (TFR) of Filipino women 15- to 49-years old now stands at 1.9 children, from 2.7 children in 2017.”
Ayon naman sa ospital, isa sa mga benepisyong matatanggap nina Maria at Vinice ay ang pagkakaroon ng libreng konsultasyon.
Bukod rito, pinag-iisipan pa ng ospital ang maaari nitong ibigay na tulong sa 8th billionth baby at sa kanyang ina.
Matatandaang noong 2014, sa naturang ospital rin ipinanganak ang ika-100th million baby na binigyan nila ng scholarship sa school of midwifery ng ospital.
Other Chika:
Janella nawala ang self-confidence matapos isilang si Baby Jude: Lalo na pag humaharap ako sa salamin
Winwyn Marquez ipinanganak na ang first child na si Baby Luna
Jennylyn sa pagbubuntis: Yung feeling ko parang lahat ang pangit, parang kawawang-kawawa ako