Jennylyn sa pagbubuntis: Yung feeling ko parang lahat ang pangit, parang kawawang-kawawa ako
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
SUMAILALIM na pala sa ilang fertility treatments ang engaged couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bago sila biyayaan ng sarili nilang baby.
Bukod dito, pinaplano na rin nila ang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy kaya talagang nasorpresa sila nang malamang buntis na ang Kapuso Ultimate Star.
Ayon kay Jen, nine weeks pregnant na siya ngayo at una niyang nalaman na siya’y nagdadalang-tao habang nasa lock-in taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Love.Die.Repeat.”
“Nasa lock-in taping ako nu’n so meron kaming 10-day quarantine sa hotel dito lang sa Manila. Tapos ‘yung feeling ko ‘yung parang lahat ang pangit.
“Nu’ng pagpasok ko sa hotel, ayoko ‘yung hotel, nagdala ako ng vacuum, naglinis ako nang buo, tapos umiiyak ako kasi, ‘Bakit ang dumi.’ ‘Yung ganu’n. ’Yung grabe ‘yung emotions ko,” kuwento ni Jennylyn sa panayam ni G3 San Diego.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Hindi ko alam kung bakit, yung inaaway ko siya (Dennis), sinasabi ko sa kanya, ‘Wala ka kasi dito kaya hindi mo alam ‘yung feeling na parang kawawang-kawawa ‘yung feeling ko, ang lungkot-lungkot ko, napaka-emosyonal ko.”
“Tapos after nu’ng 10-day quarantine na ‘yun, na-survive ko naman siya nang malungkot buong quarantine,” sabi pa ng aktres.
Sey naman ni Dennis, “Nag-away pa kasi kami nu’n bago siya mag-quarantine kasi ‘di ko na rin siya maintindihan. Sabi ko, ‘Ano’ng nangyayari sa ‘yo?’”
Singit ni Jen, “Sobrang weird na weird daw siya sa akin kasi, ‘Di ka naman ganyan? Ano’ng nangyayari sa ‘yo?’”
Pahayag pa ni Jennylyn, “Ito ay nangyari two months ago. Doon ko na feel na parang medyo iba ko, e. Medyo emosyonal ako, iba ‘yung pakiramdam ko kasi lagi akong nag-a-acid reflux, naghe-headache ako, may nausea na.
“Parang doon ako napaisip na hala. Saka delayed ako for a week, kasi usually, nade-delay ako three days lang, four days. Hindi ako lumalagpas ng one week. Sabi ko kay Dennis, bumili siya, padalhan ako ng test, ng PT (pregnancy test). Doon namin nalaman (na buntis na pala ako),” aniya pa.
Samantala, naikuwento rin ng magdyowa ang tungkol sa pinagdaanan nilang fertility treatments at ang planong paghahanap ng surrogate.
Talagang bumiyahe pa raw sila patungong Amerika sa gitna ng pandemya para maghanap ng fertility specialist at surrogate.
“So, naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat–isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” ani Jen.
“Pero embryo na ‘yun. Embryo na siya kasi nag-fertilize,” dagdag ni Dennis.
May dalawa tao rin silang kinausap para maging surrogate ng kanilang baby, “Napili namin na perfect para doon sa embryo na ‘yun. Pagkatapos naman, okay na lahat, Okay na. May schedule na ng implant.
“Nakilala na namin ‘yung surrogate, mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and ii-inject na lang ‘yung embryo sa kanya ngayong October dapat,” kuwento pa ni Dennis sa nasabing panayam.
Pero hindi na nga ito matutuloy dahil nabuntis na nga si Jen sa natural na paraan. Ngunit dahil medyo maselan ang kanyang pagdadalang-tao kinailangan muna niyang itigil ang taping ng bago sana niyang serye na “Love.Die.Repeat”.
https://bandera.inquirer.net/295271/dennis-namanhikan-na-sa-pamilya-ni-jennylyn-aamin-na-kayang-magkaka-baby-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.