Janella nawala ang self-confidence matapos isilang si Baby Jude: Lalo na pag humaharap ako sa salamin
NAWALA talaga ang self-confidence ng Kapamilya actress na si Janella Salvador nang ipanganak ang panganay niyang si Baby Jude.
Ito ang diretsahang inamin ng first time mom sa isang magazine interview kasabay ng pagsasabing “struggle is real” pagdating sa pagiging nanay.
Kuwento ng celebrity mommy, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na isa na siyang certified na ina at may sanggol nang umaasa sa kanyang kalinga at pagmamahal.
“I wouldn’t say I got fully depressed, but there are many times until now that I have to remind myself that, ‘Hey, you gave birth to a human, that’s pretty amazing, that’s pretty hard.’
“Because, after giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence,” pahayag ni Janella sa nasabing panayam.
Patuloy pa niyang chika, “Nawala lahat ng vanities sa katawan ko. Like when I look in the mirror, I don’t really see myself anymore.
“It did take a toll on my confidence, but now I’m slowly trying to take care of myself more, get some self-care in, and try to get my old self back,” lahad ng partner ng Kapamilya actor na si Markus Paterson.
Nagsimula na rin daw siyang mag-workout ngayon kapag nakakuha siya ng pagkakataon at kung may extra time ay pina-pamper din niya ang sarili para may panglaban siya sa stress.
“Now I’m trying to squeeze in going to the derma. So that’s my self-care na, and working out sometimes. Sometimes. I’m not a regular workout-er,” sey ni Janella.
Nitong nagdaang Mother’s Day, nag-share rin siya sa madlang pipol ng kanyang journey bilang first time nanay sa pamamagitan ng Instagram.
“There are no words to perfectly describe what being a mum is like so far— but one thing I have learned is that although I may have somehow lost myself, I gained my purpose,” mensahe ni Janella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.