Winwyn Marquez ipinanganak na ang first child na si Baby Luna | Bandera

Winwyn Marquez ipinanganak na ang first child na si Baby Luna

Therese Arceo |May 02,2022
facebook
share this

Winwyn Marquez ipinanganak na ang first child na si Baby Luna

Therese Arceo - May 02, 2022 - 01:33 PM

Wynwyn Marquez ipinanganak na first child na si Baby Luna Teresita Rayn

IPINANGANAK na ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez ang kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Sa Instagram ay ibinahagi niya ang larawang ng kanyang pretty baby girl kahapon, May 1.

“Our little princess, Luna Teresita Rayn,” saad ni Winwyn sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen)

Nagpaabot naman ng congratulatory messages ang mga kasamahan ng beauty queen-actress sa industriya.

OMG soooooo cute!!!! Can’t wait to meet her!” comment ni LJ Moreno.

Saad naman ni Rodjun Cruz, “Congratulations sa inyo WYN! Hello baby girl!”

“OMGGGGG! Inaanak!!! Congrats hot momma!!” sey naman ni Kiray Celis.

Matatandaang noong Disyembre 2021 nang kumpirmahin ni Winwyn na magiging mommy na siya sa press con ng kanyang pelikulang “Nelia”.

Bago pa man ang kanyang pag-amin ay kumalat na ang chika na buntis ang aktres.

Bagamat inamin na niya na ilang buwan na rin na ang kanyang dinadala noong mga panahong iyon ay nais pa rin niyang maging pribado ang ilan sa mga detalye sa kanyang panganganak maging ang identity ng kanyang non-showbiz partner.

“I want you all to know that I am super happy for this blessing at this special time in my life,” pagbabahagi noon ni Winwyn.

Noong January naman ay inihayag ng Kapuso actress sa madlang pipol na babae ang kanilang magiging anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong buwan naman ay inilabas niya rin ang kanyang maternity shoot ngunit nananatili itong ilap sa pagpapkita kung sino nga ba ang kanyang non-showbiz boyfriend dahil tanging kamay lang ang makikita sa ipinost na mga larawan ni Winwyn.

Related Chika:
Wynwyn Marquez kumpirmadong buntis

Megan, Mikael nagkasundo na huwag munang magkaroon ng anak dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending