So-so direktor na-bad trip sa mga online writers dahil laging inookray ang pelikula

So-so direktor na-bad trip sa mga online writers dahil laging inookray ang pelikula

Guess, guess, who kung sino siya?

SINO kaya itong so-so director na iritang-irita sa ilang online writers at reviewers dahil laging nila-lambast ang kanyang mga pelikula.

Wala pa kasing nabasang maayos o magandang review para sa mga naging project niya dahil ayon sa film critic na nakatsikahan namin over coffee break ay “basura” ang mga pelikula nito.

Nagulat kami dahil hindi ba puwedeng tawaging art film kaysa basura?

Masyadong harsh naman ang terminong ito dahil pinaghirapan din namang i-shoot ito ng buong production at ilang gabing pinagpuyatan ito, nataon lang na iba ang istilo ng nasbing direktor.

“’Yun nga kung gusto niyang mapuri siya o masulat ng maganda, ayusin niya mga project niya, hindi puro pera-pera lang. Hindi naman lahat pera ang usapin, bigyan mo naman ng halaga ang ginagawa mo,” katwiran ng film critic.

At isa-isang binanggit nga ang mga pelikula ng so-so actor na napapakunot ang noo namin, oo nga parang wala namang maidudulot na maganda para sa mga nakapanood lalo na sa kabataan.

“E, kasi nga pagharap palang niya sa monitor pera na ang iniisip.  Walang pakialam sa materyal at kung ano ang epekto nito. Tapos magagalit siya kapag walang ratings ang mga pelikula niya?” sabi pa ng kausap namin.

Bale ba pangarap pa naman ng so-so director na ang may pelikula siyang makapasok sa international market at mapansin siya at paano raw mangyayari kung hindi maganda ang nababasang review tungkol sa kanya.

Iniisip nga namin kung anong kumitang pelikula ng so-so direktor, e, parang wala nga kaming maalala.

Pero kung makapagbenta ng sarili niya ang so-so director at ng mga gawa niya ay parang pagkagaling-galing.

Anyway, kadalasang sinasabi ay mas gusto ng mga filmmakers na kumita ang mga pelikula nila para sumaya ang producers nila at mabigyan ulit ng proyekto. Bonus na lang kung manalo ito ng award

Sa kaso ng so-so director ay mukhang paborito siya ng producer kasi wala naman siyang blockbuster movie ay lagi pa rin siyang may ginagawa dahil ang pasaporte niya ay may award na siya.

Samantala, may ibang mga tao naman ang nagkuwento sa amin na generous naman sa food ang so-so director dahil pag nagpabili ito ng pagkain nila ay umaapaw sa set.

Try kaya ng so-so director na i-meet ang online writers at reviewers para malaman niya kung ano naman ang saloobin ng mga ito towards him.

2 kilalang aktres ikinumpara sa mga bading, grabeng magregalo sa dyowa; so-so aktor manggagamit, manloloko

Female star super deny na siya ang sumira sa relasyon ng ex-celebrity couple

Aktor ‘hinimas-himas’ ang kilalang producer kaya nagsunud-sunod ang proyekto

Read more...