Miss FIT PH pageant maghahanap ng mga kandidata sa Visayas, Mindanao | Bandera

Miss FIT PH pageant maghahanap ng mga kandidata sa Visayas, Mindanao

Armin P. Adina - November 16, 2022 - 10:09 AM

Reigning Miss FIT Philippines Yllana Marie Aduana

Reigning Miss FIT Philippines Yllana Marie Aduana/ARMIN P. ADINA

 

MAKARAANG salain ang mga aplikante sa Metro Manila, sa Visayas at Mindanao naman tutulak ngayong weekend ang Miss FIT (face, intelligence, tone) Philippines pageant upang maghanap ng mga potensyal na kandidata para sa patimpalak ngayong taon.

Malaking premyo ang nakaabang sa mga magwawagi. Tatanggap ang pangunahing reyna ng P200,000, habang P75,000 halaga ng salapi at ibang premyo ang first runner-up, at P50,000 naman sa second runner-up.

Dalawang runners-up pa ang tatanggap ng tig-P30,000 halaga ng salapi at ibang premyo.

Nasa ikatlong taon na ang taunang patimpalak, at patuloy itong naghahanap ng mga Pilipinang may taglay na “beautiful face (F), intellectual and emotional intelligence (I), and a toned and healthy body (T).”

Si Binibining Pilipinas alumna Malka Shaver ang kinoronahan sa unang patimpalak na isinagawa nang virtual noong 2020, habang nagwagi noong 2021 si Yllana Marie Aduana, na hinirang bilang “Face of Binibini” at nagtapos sa Top 12 ng 2022 Bb. Pilipinas pageant.

Maghahanap ang health and beauty management company na ProMedia, organizer ng taunang patimpalak, ng mga potensyal na tagapagmana ng dalawang dilag mula sa kababaihan sa Visayas at Mindanaoan sa Nob. 19 at 20.

Isasagawa ang Visayas leg ng nationwide screening sa Cebu City sa Nob. 19, habang sa Davao City naman gagawin ang Mindanao leg sa Nob. 20. Upang makatanggap ng imbitasyon, punan ang application form na mada-download sa link na makikita sa opisyal na Facebook page ng patimpalak. Kailangang maipadala ang mga aplikasyon sa pamamagitan ng e-mail sa [email protected] pagsapit ng Nob. 17, 11:59 ng gabi.

Bukas ang patimpalak para sa mga babaeng “assigned female at birth,” may lahing Pilipino, single at hindi pa naikakasal o nagdalantao, mula 17 hanggang 26 taong gulang, at hindi bababa sa 5’5” ang taas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending