NAG-VIRAL ang post ng isang Facebook account na nagngangalang “Anna Feliciano” kung saan naghahanap raw ito ng additional three dancers para sa show na “Wowowin”.
Agad namang napukaw ang atensyon ng mga netizens sa naturang post dahil sa ipinangakong P70,000 na sahod kada buwan.
“I need 3 more dancers for Wowowin. Send me your dance samples if interested. Stay-in/out @ Wil Tower. Mondays to Saturdays 7-8:30pm. 70k monthly,” caption ni Anna sa kanyang Facebook post.
Kaya naman hindi na kataka-taka na umani ang naturang post ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.
“How I wish Ms. Anna. It is my dream to be mentored by a very talented legend like you,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Mga besh, tara na’t magpraktis nang sumayaw hahaha, ito na ang pagkakataon nating makaipon at makaahon sa lusak hahaha.”
“Pagod na ako mag-Engineering parang gusto ko na lang gumiling-giling,” hirit naman ng isa.
Umabot naman ang naturang post sa isa sa mga “Wowowin” dancers na si Jules Cruz at sinabing walang katotohanan ang post at nagpapanggap lang bilang Anna Feliciano ang nag-post.
“Di po totoo ‘yan. Poser po ni tita yung nagpopost po ng mga ganyan,” sey ni Jules.
At para patotohanan na peke at gawa gawa lang ang trending post ay nag-Facebook live na nga ang totoong Anna Feliciano at ang pangalan ng kanyang official account ay “Tita A. Feliciano”.
“Regarding po doon sa [nagpapanggap na] account ko, ito po ang official account ko. Mayroon pong poser, ito po papakita ko po sa inyo, fake account po ito,” saad ni Anna.
Nilinaw rin niya na walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagpapa-audition siya ng mga babaeng walang saplot sa katawan.
Pagpapatuloy niya, “Kasi po hindi po ako nagpapa-audition at wala po akong telegram, wala rin po akong email na sinasabi na nagpapa-audition po ako ng walang bra, walang panty. Hindi po totoo ‘yun. Huwag po kayong magpapaniwala sa account na ‘yon.”
Sinabi rin ni Anna na last year pa raw niya sinabing fake ang account na iyon noong nasa GMA pa sila at maski ngayong taon ay nilinaw na niyang walang katotohanan ang naturang post at fake account ito.
Pagdidiin pa niya, “Hindi rin po ako active sa social media. Kung makikita n’yo po, ang totoong official account ko ay Tita A. Feliciano… Huwag po kayong magpapaloko. Please po.”
Mensahe naman ni Anna sa kanyang mga poser, “Okay lang na gumawa kayo ng account pero sana ‘yung ikabubuti. Huwag kayong manloloko. Pandemya na nga manloloko pa tayo. Napakasakit doon sa mga nagdi-dream na maging dancer tapos fake. Masakit po sa damdamin ‘yun… Huwag namang ganoon. Please po.”
Related Chika:
Miyembro ng all-female group ‘baby’ daw ng mayamang producer; Maris Racal natural na komedyana
‘Wowowin’ choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga ‘aspiring talents’