SA nakaraang mediacon ng “The Iron Heart ” ay natanong namin ang direktor nitong si Lester Pimentel Ong kung ano ang pagkakaiba nitong serye ni Richard Gutierrez sa ibang series na parehong may matitinding action scenes.
“Sa ABS-CBN the last two na ginawa ko was ‘La Luna Sangre’, of course it’s about vampire and then ‘Bagani’ which is a fantasy film, so, totally different because in terms of story telling kasi ito (The Iron Heart), mas real, mas totoo, mas present and in terms of action is totally different from vampires, the warriors of other net world of ‘Bagani.’
“Dito (TIH) makikita natin ang the modern way of gunfights. Maybe we will show something different that hasn’t seen on TV, how a gun fight is being done of course our pegs are the Hollywood films.
“It’s a different way of showing a hand to hand combats, knife fighting, so, we’re fortunate because one of the few real martial artist in the showbiz is Richard Gutierrez.
“Talagang pag gumagalaw siya is a genuine something that he just learned for the show, it’s something that he’s been doing since he was a kid, so, we’re very fortunate to have him to this action (series) na pangarap naming gawin and of course there’s the story telling it’s very different because it’s a journey of a person who is out there to give justice to his loved ones,” paliwanag ng direktor.
Sa ginanap na Watch Party ng “One Good Day” sa EDSA Shangri-la Hotel nitong Lunes na si direk Lester din ang director at si Ian Veneracion ang bida ay muli naming tinanong kung ano ang pagkakaiba ng action scenes ng bago niyang pelikul sa “The Iron Heart.”
“Here in ‘One Good Day’ we were able to do a lot of things na hindi namin nagagawa sa TV because we’re not on free TV, so, marami kaming ibang (ipakikita), mas violent pero puwede pa rin namang pambata, kakaiba lang. The action scenes is different from the free TV kaysa dito sa streaming. Sana panoorin nila pareho,” pagkukumpara ni direk Lester.
Nabanggit din ng direktor na pareho siyang nag-enjoy sa mga hard action scenes sa “The Iron Heart” at “One Good Day” kaya masaya siya sa resulta.
Sabi pa ni direk Lester, “Matagal na kaming nagsu-shoot ng TV series, marami kaming kuwento na hindi maikuwento sa free TV na naikuwento namin dito mga paraan ng pagkukuwento ng iba’t ibang istorya kaya nagawa namin dito (One Good Day).”
Nitong Lunes ang pilot episode ng “The Iron Heart” at isinabay ang watch party ng “One Good Day,” parang sinadyang magkatapat? “Nagkataon lang, nagkataon lang,” tumatawang sagot ng direktor.
Samantala, napanood namin ang 1st episode ng “TIH” sa iWAntTFC at nagalingan kaming umarte kay Kyle Echarri bilang batang Richard Gutierrez at lahat ng anggulo ay magkamukha ang dalawa pati ang kilos at pananalita.
Kaya nakapanghihinayang na isang araw lang ang exposure niya dahil bago matapos ang episode 1 ay ipinakita na si Chard at si Karina Bautista naman ay si Maja Salvador nang tumanda na, in fairness magkahawig din ang dalawa.
Sa ipinanood naman sa media na first two episodes ng “One Good Day” ay si Patrick Quiroz naman ang gumanap bilang teenager na Ian Veneracion na sobrang kahawig pagdating sa mukha.
Hindi nga lang siya nagpakita ng skills niya sa pakikipag-away dahil nabanggit lang ng story teller kung paano napasok sa pamilya ng mga Rodrigo ang huli, kasi nakipag-deal siya kay Joel Torre na Kingpin sa kanilang bayan.
Parehong Cornerstone Entertainment talent sina Kyle at Patrick at una silang nakilala bilang mga singer kaya maraming nagugulat na mahusay silang umarte.
Anyway, sa Nobyembre 17 na mapapanood ang “One Good Day” sa Prime Video PH produced ng Studio Three Sixty na kinabibilangan ni direk Lester.
Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?