Rita Daniela atat na atat nang makita ang 1st baby: ‘You and the Lord are my hope, son…’

Rita Daniela atat na atat nang makita ang 1st baby: 'You and the Lord are my hope, son...'

Rita Daniela

SUPER excited nang masilayan ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela ang kanyang first baby na pinangalanan niyang Juan “Uno” Rafael.

Muling nag-share sa kanyang mga fans at social media followers ang future mommy ng ilang mga kaganapan tungkol sa kanyang pregnancy journey.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Rita ng ilang selfie photos nitong nagdaang Linggo kung saan makikita ang natural niyang ganda dahil wala nga siyang make-up.

“No filter, just me in thirty-two weeks and four days of pregnancy,” ang inilagay niyang caption sa kanyang IGpost.

Kasunod nito, nabanggit nga ng Kapuso star kung gaano na siya ka-excited pati na ang kanyang mga kapamilya at kaibigan habang papalapit na ang araw ng kanyang panganganak.

“I cannot wait to see my son. Once he comes out, I know all the lonely days and nights are over.

“Hope is what i felt when i saw the greatest two lines of my life — you and the Lord are my hope, son,” sabi pa ni Rita sa kanyang caption.

Ibinandera ni Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis noong June, 2022 sa isang episode ng Kapuso show na “All-Out Sundays.”

Maraming nagbigla sa announcement ng singer dahil wala raw silang idea na magiging mommy na siya.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ‘to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” mensahe ni Rita.

Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Rita Daniela na-bad trip sa chikang hiwalay na sila ng tatay ng magiging anak: Wala po akong ginagawang masama sa inyo!

RitKen fans galit na galit pa rin sa pang-iisnab ng mga hurado ng MMFF kina Rita at Ken

Read more...