#UsapangPera: Hanggang saan aabot ang 13th month pay mo?

#UsapangPera: Hanggang saan aabot ang 13th month pay mo?

NAAAMOY n’yo na ba ang simoy ng Kapaskuhan? Ang panahon kung saan mas nangingibabaw ang pagmamahalan at pagbibigayan. And speaking of pagbibigayan, natanggap mo na ba ang iyong 13th month pay?

Anong plano mo para rito? Kung wala pa, baka makatulong ang ilan sa aming mga tips para sa mas wais na paggamit ng inyong kaperahan.

Additional Savings/Emergency funds

Bessy! Kung ikaw naman ay nakakaluwag-luwag sa buhay at hindi masyadong alintana ang inflation sa bansa at nakakapag-estetik cafes pa kahit petsa de peligro, pwedeng-pwede mong ipandagdag sa iyong savings account mo ang matatanggap mong 13th month pay.

Tandaan, matutong mag-ipon para in case of emergency, may madudukot!

Investment

Kung medyo maalam ka naman sa mundo ng investment o may taong malapit sa ‘yo ang pwedeng gumabay sa ‘yo sa art of investing, why don’t you give it a try?

Sa hirap ng buhay ngayon, maigi na rin ang may passive income at hindi lang nakadepende sa monthly salary mo ang pera mo. At sabi nga nila, invest while you are young. Marami namang option to invest at huwag kang mag-alala sa pag-take ng risk dahil may iba’t-ibang uri ng investment na sure na swak sa personality mo.

Pero tandaan, huwag basta basta magpapabudol! Makipag-usap o humingi lang ng tulong sa mga professionals.

Insurance

Naranasan n’yo na bang makatanggap ng message mula sa Facebook friend mo na hindi mo naman nakakausap noon? O ‘yung kinilig kasi bigla na lang minessage ni crush? Inaya ka pang mag-kape pero ang ending, aalukin ka lang pala ng insurance policy.

Naka-relate ka ‘no? Naranasan ko rin ‘yan, bes! Pero sa totoo lang, good thing ang magkaroon ng insurance hindi para sa ‘yo kundi para sa mahal mo sa buhay lalo na kung breadwinner ka ng pamilya.

#NoMoreTears kung sakali mang maiwan mo sila sa mundo dahil may matatanggap sila mula sa insurance mo.

Pero tulad ng pag-i-invest, huwag rin basta basta papabudol at maging maingat pa rin sa pagpili. Dapat ready ka rin emotionally, financially, at iba pang -ly dahil mahaba-habang commitment sa pagbabayad ang pagkakaroon ng insurance. Choose the right policy for you!

Small Business

Pangarap mo ba ang magkaroon ng coffee shops? O baka naman may talent ka sa pagbe-bake at pagluluto? Make your hobby profitable! Ito na ang sign para simulan ang small business mo at gamitin ang iyong 13th month pay bilang kapital.

Malay mo, lumago ito at maging sign mo na rin to resign sa corporate world, eme! Pero kidding aside, ito na talaga ang sign para pagkakitaan ang iba mo pang libangan at talento.

Nagiging masaya ka na, kumikita ka pa!

Pambayad Utang

Isa sa mga pinakawais na pwedeng paggamitan ng inyong 13th month ay ang ipangbayad ito kung mayroon man kayong mga pinagkakautangan mapa-credit card man yan o kaibigang matagal mo nang hindi kinikibo dahil hindi mo pa bayad ang hinihiram mo.

Para iwas sakit sa ulo at kesa lumaki pa ang interest, i-take advantage mo na ang matatanggap na 13th month pay para makapagbayad. Masarap rin sa pakiramdam kapag debt-free ka!

Pang-shopping, Pampaganda/Pampapogi

Tila naging biruan na sa social media na isa sa mga senyales na nakatanggap na ng 13th month pay ang isang tao, lalo na kung babae, ay kapg naka-rebond na ang buhok nito.

Hindi naman masama ang mag-invest sa sarili at mag-#SelfLove pero siguro bago mo ito gawin ay nakapaglaan ka na ng pera para rito, siguraduhin na-budget mo na ang iyong pera at bayad na lahat ng bills!

Iwasan pa rin ang pagiging one-day millionaire mindset at be practical! Pag-isipan munang maigi kung worth it ang mga bibilhin at huwag magpapabudol dahil sale!

O ayan mga ka-Bandera! Sana ay nakatulong ang ilan sa aming mga tips para sa mas wais mong paggamit ng inyong 13th month pay!

Nasa sa ‘yo pa rin ang desisyon kung paano mo nais gastusin ang inyong mga matatanggap na bonus at benefits but always remember, #BeAResponsibleAdult!

 

Other Chika:
Earthquake safety tips na dapat mong tandaan

Bianca King nag-share ng 11 tips para makabuo ng baby: Minimize toxins like smoking & alcohol, eliminate toxic people…

Maxene Magalona nag-share ng 6 tips para sa mas solid na relasyon kay Lord: ‘God wants to be your best friend’

Read more...