'Wowowin' choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga 'aspiring talents' | Bandera

‘Wowowin’ choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga ‘aspiring talents’

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

‘Wowowin’ choreographer naghahanap ng bagong dancers; AMBS bukas na sa mga ‘aspiring talents’

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 02:50 PM

Anna Feliciano at Willie Revillame

MUKHANG tuloy na tuloy na nga ang paglipat ng “Wowowin” sa pag-aaring TV network ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar — ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Ang AMBS ang nakabili at nakakuha ng franchise ng Channel 2 na ipinagkait ng kongreso sa ABS-CBN na naging dahilan ng pagsasara ng Kapamilya network.

Balitang isa raw ang “Wowowin” host na si Willie Revillame sa magiging top executives ng istasyon na patatakbuhin nga ng pamilya Villar.

Nauna rito, in-announce na ng GMA 7 na tinapos na ng kampo ni Willie ang kontrata ng “Wowowin” sa istasyon at hindi na nag-renew ng bagong contract. Maayos naman daw ang pakikipag-usap ng TV host sa mga bossing ng Kapuso network.

Last Sunday naman, Feb. 6, naglabas ang “Wowowin” choreographer na si Anna Feliciano ng panawagan sa social media na hiring na raw sila ng mga bagong dancers para sa isang bagong show sa ibang network.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, inihayag ni Anna ang tungkol dito, “Parang kahapon lang ay nag-sscreen pa ako ng dancers para sa pilot episode ng Wowowin sa GMA7.

“Kaybilis ng panahon, after almost 7 years, maghahanap na naman ako ng dancers. This time, for a different show/network,” dagdag pa ng veteran dancer at choreographer.

Sa isa pa niyang post may pakiusap naman si Anna sa mga viewers ng “Wowowin,” “Sana ay samahan nyo pa rin kami sa aming magiging bagong tahanan.”

Bukod sa paghahanap ng mga bagong dancers, ni-repost din ng choreographer ng “Wowowin” ang isang advertisement “for aspiring on-cam and off-cam talents” na interesadong mag-apply sa Advanced Media Broadcasting System.

Makikita rin sa kanyang Facebook account ang official statement ng GMA tungkol sa pamamaalam ni Willie na may caption na, “When something ends, something starts. Sana hindi nyo kami iwan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kalakip nito ang photos ni Willie kasama si Manny Villar at ang anak nitong si Las Piñas Congresswoman Camille Villar.

Arnold Clavio sa paggamit ni Manny Villar sa ABS-CBN frequency: Anong tawag sa viewers nila… Ka-Mella?

#DamingGanap: Willie, Aga may niluluto nang proyekto para sa TV network ng pamilya Villar

Bagong kontrata ng ‘Wowowin’ sa GMA handa na, pero si Willie ang hindi pumirma, bakit nga kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending