Boy Abunda hirap na hirap magdesisyon kung mananatili sa ABS-CBN o babalik sa GMA: Gustung-gusto ko nang bumalik sa TV

Boy Abunda hirap na hirap magdesisyon kung mananatili sa ABS-CBN o babalik sa GMA

Boy Abunda

WALA pang kasiguruhan kung iiwan nang tuluyan ng award-winning TV host na si Boy Abunda ang ABS-CBN o kung magbabalik na siya sa GMA 7.

Inamin ni Tito Boy na napakahirap magdesisyon kung ano na ang susunod niyang hakbang patungkol sa kanyang television career. Pero diretsahan niyang sinabi na gustung-gusto na niyang bumalik sa TV.

Matagal nang nababalita na okay na raw ang pagbabalik niya sa GMA 7 at kasado na rin ang magiging projects niya sa Kapuso network pero nilinaw nga ng TV host na wala pa siyang final answer sa lahat ng offers sa kanya.

“That’s not an easy decision. As I talk now, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa pagsabi kong ‘di ko pa alam. May mga kausap na ako pero wala pa akong pinipirmahan,” ang pahayag ng veteran TV host sa panayam ng ABS-CBN.

“Ang maganda, I will make sure that I will not burn bridges kung matuloy ako sakali kung TV5 o GMA 7. I will make sure makikipag-usap ako nang matino.

“I value relationships. That’s what makes the whole process difficult. I will always say na nag-umpisa ako sa Channel 7 kung saan ako natutong lumakad.

“Sa ABS-CBN, lumipad ako. At sa dami ng tumulong I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinapangalagaan,” pahayag pa ni Tito Boy.

May mga tao raw na nagsasabi sa kanya na huwag nang lumipat, “Doon ako sa nakakaunawa sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Kasi ‘di naman na ako 28 years old.

“I’m not starting a career. I’ve been doing this for so long. Malapit na akong malaos, for the lack of a better word. All of us go. If there’s one immutable law in showbiz, it is nothing lasts forever.

“So I’m at that stage where I want to go back to television. I want to be able to do what I can do best,” mariin pa niyang sabi sa naturang panayam.

Pahabol pa niya, “I wanna go back to television. That much I will say, I wanna go back to television. Ako ay napunta sa digital platform by circumstance. Hindi naman ako digital expert, hindi naman ako digital native.

“Natuto ako because I wanted to do my interviews at sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo nang konti. Napagbigyan tayo nang malaki, actually,” sabi pa ni Tito Boy.

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Boy Abunda tatakbo nga bang senador sa Eleksyon 2022?

Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

Read more...