Rabiya Mateo napaiyak nang sorpresahin ng ina; nag-celebrate ng 26th birthday sa strawberry farm sa Baguio

Rabiya Mateo nag-celebrate ng birthday sa Baguio

Rabiya Mateo

HINDI napigilan ng Kapuso actress at TV host na si Rabiya Mateo ang maging emosyonal nang sorpresahin ng ina sa selebrasyon ng kanyang kaaraaan.

Kahapon, November 14 nagdiwang ng kanyang 26th birthday ang dating beauty queen kaya naman bumaha ng pagbati sa social media mula sa mga kaibigan at supporters.

At bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, binigyan siya ng surprise birthday ng mga katrabaho sa daily morning variety show ng GMA 7 na “TiktoClock” with her co-hosts Pokwang and Kim Atienza.

Sa isang bahagi ng nasabing special episode ng show ay biglang may bumati kay Rabiya. Walang siyang kaalam-alam na babatiin siya ng kanyang ina via phone patch.

At nang marinig nga ng dalaga ang boses ng kanyang pinakamamahal na nanay ay naluha nga si Rabiya. Pagbati ni Mrs. Christine Mateo sa anak, “Happy birthday, magpakabait ka diyan. Magiingat ka parati.”

Ang tanging wish lang daw  ni Mommy Christine kay Rabiya ay, “Sa 26 years old mo na edad sana ganoon pa rin tayo. Mahal na mahal ka ni mama mo.”

Kitang-kita naman sa mukha ni Rabiya ang sobrang kaligayahan nang batiin siya ng ina, “Thank you mama, I love you po.”

Samantala, sa Baguio naman napiling ipagdiwang ni Rabiya ang kanyang kaarawan. Makikita sa kanyang Instagram page ang ilang litrato na kuha sa iba’t ibang lugar sa Baguio suot ang kanyang OOTD.

Sa isang IG photo, makikita si Rabiya suot ang kanyang oversized black and white knit dress with matching Doc Martens boots.

Kuha ang nasabing picture sa loong ng La Trinidad Strawberry Farm, na isa sa mga sikat na sikat na tourist destination sa Baguio. Dito pwede mong ma-experience ang mamitas ng strawberry.

Binisita rin ni Rabiya ang sikat na sikat ding butterfly farm sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines. May isa siyang ipinost na litrato ng itim na paru-paro na siya mismo ang kumuha.

“Baguio Escapade Day 1,” ang maikling caption na isinulat niya na may red heart emoji.

Libu-libong likes, shares at comments ang nakuha ng mga IG post ni Rabiya kasabay ng pagbati at ang wishes para sa kanyang 26th birthday.

Matatandaang noong 2020 ay nagdiwang si Rabiya ng kaarawan sa pamamagitan ng isang donation drive para sa mga biktima ng typhoon Ulysses at Rolly.

Daniel namigay ng pagkain sa mga taong nasa lansangan; nagtayo rin ng community pantry sa Tacloban

Kathryn may 2 wish para sa 26th birthday; sinadyang magpa-sexy sa pasabog na pictorial

Read more...