Paano kinakaya ni Claudine Barretto ang pagiging single mommy?

BAGO pala bumalik sa pag-arte si Claudine Barretto ay kinausap niya ang mga anak niyang sina Sabina at Santino dahil nga mababago ang schedule ng pagkikita nilang mag-iina.

“Nu’ng ginawa ko ‘yung ‘Bakit Manipis ang Ulap’ (2016) sa ibang network, kinausap ko sina Sabina at Santino, si Quia maliit pa no’n (at) wala pang Noah.

“Kinausap ko na, ‘can mommy work? Sandali lang naman ito, it’s just one season and after that finish na I’ll start staying at home again and pumayag sila.

“Ganu’n din same as when I did Etiquette of a Mistress movie (2015) in-explain ko rin sa kanila,” kuwento ni Claudine sa panayam sa kanya ni Gladys Reyes sa programang “Moments” na in-upload sa NET25 YouTube channel nitong Linggo, Nobyembre 13 produced by Eagle Broadcasting Corporation.

Sabi pa ng aktres, “Kasi mare mahirap ang TV minsan three times a week, minsan more pa. Ang pelikula kasi hindi naman everyday ang shooting unless ‘tong huli ko na Deception (2022) with Mark Anthony Fernandez, ‘yun kasi bubble na (lock-in) dahil sa COVID and in nine days tinapos namin.  ‘Yun ipinapaalam ko yun sa kanila (mga anak).

“Puwede na ulit akong mag-work since papasok na rin si Noah at gumawa rin ng teleserye ulit,” aniya pa.

Sa tanong ni Gladys kung itong pagiging hands on mommy ni Claudine kahit noong wala pa siyang mga anak ay naisip na niya.

“Yes eversince, nakita mo naman ‘yun sa mga pamangkin ko (mga anak ni Marjorie Barretto) mama ang tawag sa akin,” sambit ng aktres.

Sang-ayon naman si Gladys, “Oo nga naalala ko napakalambing mo sa mga pamangkin mo. Doon ba galing ‘yun Clau na expose ka na ito marami akong pamangkin. (Sa tingin mo) noon pa pine-prepare ka na maging mommy?”

“Ay oo, actually sabi ko nga mas matapang akong mommy noon dahil minsan may mga oeprasyon ang mga bata, si Leon (only son ni Marjorie kay Dennis Padilla) mas matapang ako.

“Pero nu’ng sina Santino na, si Sabina mahina na ako, hindi ko na kayang pumasok sa operating room nu’ng si Santino naoperahan sa mata and two years old lang siya no’n, hindi ko kaya talaga,” balik-alaala ng aktres.

At dahil single mom si Claudine kaya natanong ni Gladys kung paano kinakaya ito lahat ng aktres at sino ang karamay nito.

“Prayers lang talaga number one and it really helps talaga na like you, nandiyan ang mommy mo at si Sol, ‘yung aking right hand.

“At kahit walang tatay sa bahay namin, merong good cop at bad cop, si Sol ‘yung good cop, ako ‘yung bad cop. Ha-hahaha!” tumatawang sabi ng mama nina Sabina, Santino, Quia at Noah na ikinatawa rin ni Gladys.

Kilala ni Gladys si Ate Sol ni Claudine na mahigit 20 years ng kasama ang aktres na sabi nga ng una ay napapagaan nito ang mga pinagdadaanan kasi may mga taong nakapaligid sa kanya.

Sobra talagang hands on si Claudine sa mga anak niya at ito raw ang award niya bilang ina. Katwiran ng aktres, “We only had one shot being a parent and I didn’t want to fail.  Kung nag-fail ako as a wife, ayokong mag fail as a mother.”

Samantala, nabanggit ni Claudine na walang sakit si Mommy Inday kapag nagsa-shopping. Pagbukas daw ng mall ay nandoon na ito hanggang sa magsara.

“She’s good, for someone who is 86 years old malakas ang mommy ko may lupus siya pero sobrang lakas niya for 86-year old. Sabi ko nga pagbukas ng mall hanggang sa pagsarado, nandoon ang nanay ko.  Wala siyang sakit pag nagsa-shopping,” masayang kuwento ng aktres.

Related chika:

Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?

Read more...