Miss Earth 2019 Nellys Pimentel nasa Pilipinas muli

Miss Earth 2019 Nellys Pimentel/ARMIN P. ADINA

Miss Earth 2019 Nellys Pimentel/ARMIN P. ADINA

HULING nagsagawa ng pisikal na patimpalak ang Miss Earth pageant noon pang 2019, at doon nagwagi si Nellys Pimentel, ang unang reyna mula Puerto Rico.

Nagbabalik siya sa Pilipinas kung saan niya nasungkit ang korona mula sa hanay ng 85 kalahok noong taong iyon.

“I just came straight from the airport. I feel so happy to be back to the place where it all began,” sinabi ni Pimentel nang humarap siya sa press presentation ng mga kandidata ng 2022 Miss Earth pageant sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City ngayong Nob. 14.

Ikinagalak ng mga manonood nang tawagin siya ng mga host na sina reigning queen Destiny Wagner mula Belize at 2017 Miss Earth Karen Ibasco mula Pilipinas.

Rumampa ang mahigit 80 kalahok ng patimpalak suot ang dilaw na swimsuit na nilikha ng Pilipinong designer na si Ricky Abad. At pinagbotohan pa kung sino-sino ang “press favorites” mula sa iba’t ibang rehiyon.

Nakuha ni Sheridan Mortlock mula Australia ang pinakamaraming boto para sa “Asia and Oceania,” habang si 2021 Miss World Top 13 finisher Andrea Aguilera ng Colombia naman ang paborito mula sa “Americas.”

Suot ng mga kandidata ng 2022 Miss Earth pageant ang swimsuit na nilikha ng Pilipinong designer na si Ricky Abad./ARMIN P. ADINA

Mula naman sa kontinente ng Africa, si Esther Ajayi mula Nigera ang nanaig, habang si Merel Hendriksen mula Netherlands ang nanguna sa botohan sa Europa.

Ang American-Filipino psychology student na si Jenny Ramp mula sa lalawigan ng Tarlac ang kumakatawan sa Pilipinas sa pandaigdigang patimpalak.

Itatanghal ang 2022 Miss Earth coronation program sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City sa Nob. 29.

Read more...