Kris Aquino mahinang-mahina ang katawan, hindi pa kayang maglakad mag-isa
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Kris Aquino
HINDI tuloy ang pag-uwi ni Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa Enero 2023 ayon sa ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa vlog niyang “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.
Panimula ng kilalang online host, “Isa pong sinserong tawag ang natanggap ko nu’ng isang araw galing sa Amerika.
“Meron siyang gustong ikorek sa ating inilabas noong nakaraang episode at ang SNN po, ito pong ating programa ay bukas sa loob namin kapag may gustong ituwid an gaming kuwento ay wala namang masama.”
Singit ni Morly, “At hindi naman tayo perpekto. Kung baga ang mga naibabalita natin rito ay ‘yung mga nakakarating sa atin.”
Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Ang kanya (tumawag mula sa Amerika) pong kuwestiyon ay bakit daw po namin inilabas na malapit na pong umuwi si Kris Aquino?
“May ginawa na lang isa pang proseso at sa darating na Enero (2023) ay pauwi na siya ng Pilipinas kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
“Sabi ko, ‘kung nasabi man namin ‘yun may pinagmulan. Ang dami-dami naman nating sources na tumatawag,” sabi ni Nay Cristy.
“Yes, ate Cristy ang daming nagte-text, ang daming nakikipag-usap sa atin,” saad ni Morly.
“At kung para po naman sa ikawawasto ang dahilan ay bukas ang Showbiz Now Na. Ang kanyang (tumawag mula Amerika) kuwento, ‘paano makakauwi si Kris Aquino sa Enero, e, ni hindi nga siya makakakain pa ng solido.”
Nagulat sina Romel at Morly sa balitang ito ni ‘Nay Cristy, “Huh? E ano lang ang kinakain?” tanong ng dalawa.
“Ano lang daw, gamot,” say ni Nanay Cristy.
“Liquid lang dahil sa autoimmune,” saad ni Romel.
Sabi ni manunulat, “Kasi ang allergies hindi pa nati-trace kung saan nagmumula.”
“Kaya takot na takot mag-take ng kung anu-anong pagkain?” tanong ni Romel.
Tuloy ni Nanay, “Pangalawa, ‘she can’t even move! She can’t even walk! Makalalakad lang siya kapag kasama ang PA (personal assistant) or isang nurse.'”
“Ibig sabihin ate Cristy mahinang-mahina (si Kris)?” balik-tanong ni Morly.
“Mahinang-mahina, oo. Sa kanyang kuwento kung babasahin mo talaga (at) punto por punto, hindi siya (Kris) ganu’n kalakas pa. Hindi siya nakalalakad, kailangan niya ng hawakan, kailangan niya ng taong aalalay sa kanya (at) makakaupo siya sa wheelchair.”
“So taliwas ito ate Cristy sa una nating kuwento?” tanong ni Morly.
“Marami po talagang mga Pilipino roon na nakakaalam na ‘yun ang sitwasyon ni Kris Aquino dahil oo nga at wala siya sa hospital, pero tatandaan natin may mga doktor siyang kinakausap.
“At ang mga doktor ay may mga kaibigan, mayroong mga assistant, merong mga Pilipino na dumadalaw sa kanya alangan namang hindi mapansin ‘yung mga nagaganap sa kanya ngayon?
“Tapos ‘yun daw ano ni Kris, weight niya hindi totoong nadagdagan hindi naman sinabi (nadagdagan) pero payat pa rin,” kuwento ni ‘Nay Cristy.
“Naku marami na namang malulungkot n’yan,” saad ni Morly.
“Iyon ang mismong sinabi ko. Kami ay naglalatag ng kuwento tungkol kay Kris Aquino ay para matuwa ang ating kapwa Pilipino, para matuwa ang kanyang mga tagahanga at ng kanyang pamilya tungkol sa mga impormasyong inilalatag namin,” katwiran ni ‘Nay Cristy.
“Pero ang sinabi niya, ‘Mali hindi totoo, wala pang kasiguruhan kung makakauwi siya ng Pilipinas sa maagang lilipat ng taon,'” kuwento ni Nanay Cristy.
Ayon naman kay Romel Chika, “E, di ba may mayroon tayong nababasa at may mga picture pa nga na sinabing nakikipag-text di bas a kanya si Kris Aquino na maganda raw ang kalusugan.”
“Oo, kanya-kanyang version naman ‘yan, eh. Maaaring sinabi niya sa kausap niya na ganu’n, di ba?” say ni ‘Nay Cristy.
“So, orchestrated naman ito?” nagtatakang sabi ni Romel Chika.
“Di ba may mga lumalabas na may ka-messenger siya (mga ka-close ni Kris),” sambit ng manunulat.
“Pero kung ganu’n siya kahina ate Cristy, hindi niya magagawang mag-text. Hindi niya magagawang makipag-usap ng dire-diretso,” opinyon naman ni Morly.
“O, maaring sa pinakamaganda niyang sitwasyon o mood na noon niya (Kris) ginawa ‘yun (makipagpalitan ng mensahe) sa taong pinagsalinan niya ng kuwento,” say pa ni Nanay.
Nabanggit naman nina Romel Chika at Morly na natuwa nga raw sila sa ibinalita nila sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na” sa balitang gumaganda na ang kalagayan ni Kris at ng mga kaibigan nila tapos ngayon hindi pa pala, kaya balik lungkot na naman ang lahat.
“Let’s all pray for her,” ito raw ang bilin ng kausap ni Nanay Cristy mula sa Amerika.
Anyway, ang punto de vista naman namin na anything good news for Kris ay bakit hindi ito manggaling sa pamilya niya?
Still, bukas ang BANDERA para sa panig ni Kris o mula sa kampo niya.