Netizen rumesbak sa isyu ng paggawa ng porn movies: ‘Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no!?’

Netizen rumesbak sa isyu ng paggawa ng porn movies: 'Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no!?'

Ronnie Liang

NAG-VIRAL ang three parts tweet ng isa sa hurado ng programa ng TV5 na “Sing Galing” na si Ronnie Liang dahil ikinuwento niyang hindi niya nagustuhan na inalok siyang gumawa ng porn movie.

Inamin ng binata na maraming pinagkakaabalahan ngayon outside showbiz na hindi niya kayang gawin ang magpakita ng hubo’t hubad niyang katawan sa pelikula.

Ang mahabang tweet ni Ronnie noong Nobyembre 10, “I got pissed off and disappointed. I was offered and urged to do PORN movies…Thanks, but NO thanks po. I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public- nakakahiya.

“I am not perfect, super rich, or super famous, but to me, fame and money are only temporary. Self-respect and the respect of my colleagues in and out of showbiz are forever more vital to me. ️

“Okay lang naman po kung wala akong movie or project. Sa iba nyo na lang po ibigay ang lead role na yan. Hanggang ganito lang po ang pwede ko ipakita,” aniya pa.

Maraming pumuna sa litanyang ito ni Ronnie at isa na nga riyan ang direktor-comedian na si John Lapus. Aniya, “So walang “self respect” ang gumagawa ng porn?”

Tinalakay nina Ogie Diaz, Mrena at Mama Loi ang isyung ito ni Ronnie at ayon sa mga netizens, nagpapaka-self righteous daw ang mang-aawit.

Inilabas nila ang komento ni Tristan Louis Sicat @imtristansicat, “Dami mo pang sinabi, you could have just said no. A lot of sex workers are also people who work hard to provide food for their families. Shaming them just to uplift yourself and your beliefs doesn’t make you any better.”


Binasa rin ni Ogie ang tweet ng  journalist na si Lian Buan, “A simple ‘no thanks’ would have sufficed. No need to be condescending, sex work is work, the jobs that are truly shameful and merits this response are jobs that don’t even require taking off a layer of clothing just saying.”

Ang opinyon ng isa sa content creator ng “Showbiz Update,” “Marami pa, ‘yung iba mema (may masabi lang), at the end of the day ay nagwagi pa rin si Ronnie Liang kasi ‘yung post niya naapektuhan ang karamihan. Ang sensibilidad ng karamihan.

“Kasi ako naniniwala kung walang wawa ‘yung sinabi ni Ronnie Liang siyempre makakatikim din siya ng hambalos o hagupit ng bashers at halo ang opinyon, ‘yung iba tama raw si Ronnie Liang, ‘yung iba mali raw.

“Kasi pag sinabing sex workers hindi naman sa pag-aano, para kasing ini-encourage pa natin silang maging sex workers. Hindi naman natin ina-unvalidate ‘yung sinabi ni Ronnie Liang at the same way na hindi rin natin ina-unvalidate ‘yung punto ng ibang umaayaw kay Ronnie Liang, e, ‘yun ang kanyang punto de vista, eh. It’s a matter of respecting one’s opinion.”

“Tama, to each his own,” sabi naman ni Mama Loi, “Lahat ng nagko-comment ‘Nay no hindi natin masasabing tama o mali kasi opinyon nila ‘yun, eh.”

“Tandaan mo, walang maling opinyon sa taong nag-oopinyon.  Saka lang nagiging mali ang opinyon kapag inamin ng may-ari ng opinyon na mali ang opinyon niya,” diin ni Ogie.

May naglabas naman ng resibo na gumawa na raw ng sexy movie si Ronnie noon na ang titulo ay “Estorika Maynila” na idinirek ni Elwood Perez noong 2014. Pero may mga nagtanggol na hindi naman ito porn.

“May umaapela naman na inconsistent si Ronnie Liang kasi dati nag-post siya (sa Twitter noong June 5, 2018), “I see nothing wrong about #PresidentDuterte kissing a married woman on his #DuterteKOrea2018 specially with her consent. But I see a lot of about Dengvaxia controversy, #DengueVaccine that killed many innocent children. Ombudsman is doing nothing dapat may managot.’

“So, si Ronnie Liang may opinyon na ang mali ay puwedeng maging tama kasi may consent naman daw ‘yung girl (married woman). So, dito siya tinitira!

“Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no, sabing ganu’n!”

Hirit ni Mama Loi, “Ikaw ba may sabi? Akala ko ikaw may sabi (ano ba ang stand mo) aawatin na sana kita.”

“Yan ang sinasabi ko, nagkakaroon ng resibuhan. May mga resibo in the past na puwedeng iangat sa ‘yo (Ronnie) na puwedeng ilaban, ibangga o idikit sa stand mo ngayon.

“Tama ‘yung stand ni Ronnie Liang ngayon para sa kanya tapos biglang reresibuhan ka ng nakaraan.  Ronnie Liang anong masasabi mo rito na inaayunan mo ‘yung paghalik ng pangulo sa isang married woman?

“Yun lang, kaya dapat maging consistent tayo sa lahat ng bagay, sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sitwasyon.  Kung gusto nating panindigan ang mali, e, di panindigan mo.  Kung mali para sa ibang tao at tama para say o, e, di panindigan mo,” mahabang pahayag ni Ogie.

“Kasi naman ‘Nay sabi ng iba ‘you should have said no! ‘Yun lang period! Na ‘yung ang dami mong in-explain ang dating ay parang inangat moa ng sarili mo at ibinababa mo ang iba na gumagawa no’n, ang dating tuloy self-righteous,” paliwanag ni Mama Loi.

Ang ibang filmmakers naman na gumagawa ng sexy films ay ilalaban nilang “art films” ang ginagawa nila.

Ang mataray na opinyon naman ni Mrena, “So Kuya (Ogie), Mama Loi itong si Ronnie Liang is pabida, pa-relevance?”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Ronnie Liang.

#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa

Ogie Diaz lusot sa cyber libel case: Pero sad ako for Enchong kaya sana maayos…

Ronnie Liang napikon nang alukin at piliting gumawa ng porn movies: Nakakahiya!

Read more...