Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Carla Abellana at Tom Rodriguez
NAPAKAHIRAP para sa Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana ang mag-open up sa publiko ng nangyari sa kanila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.
Ayon sa Kapuso actress, hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya yung sakit na idinulot ng pagkasira ng relasyon at paghihiwalay nila ni Tom.
Inamin ng Kapuso star sa interview ng “Updated With Nelson Canlas” podcast na ipinalabas kagabi sa “24 Oras Weekend” na hindi ganu’n kadali ang makipaghiwalay sa taong minahal at pinakasalan mo.
Pahayag ni Carla, “There’s always pressure to speak up, to give answers.
“Some people kasi think we owe them an explanation or we owe them answers na mahirap because kumbaga nawawala ‘yung line or parang boundary ng privacy,” aniya pa.
Sa nasabing panayam, inamin din ng aktres na nasasaktan siya sa paghihiway nila ni Tom kasabay ng pagsasabing kinaya niya ang sakit na idinulot ni Tom sa personal niyang buhay at career.
“Hindi naman din ibig sabihin na hindi ka umiiyak, eh ‘yung hindi ka in pain or you’re not hurting.
“Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba, ang daling tanggapin at mag-move on. It’s a serious personal change in your life,” sabi ni Tom sa isang panayam.
Tinanong ni Nelson kung may pagmamahal pa si Carla kay Tom, “Oh my gosh! Wow hot seat ito! Honestly, hindi ko masasagot kung yes or no. Like I said ‘yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa.”
Sasagutin ba niya kapag tumawag si Tom? “Woooh! Hindi, hindi muna. At this point parang hindi ko kakayanin if ever he calls hindi ko kakayaning kausapin siya.”
Dahil sa support system mula sa pamilya at mga malalapit na kaibigan ay nalampasan niya ang lahat kasabay na rin ng ginawa niyang self care kaya okay na siya ngayon.
“I agree na siyempre ‘yung Carla today hindi naman same ng Carla a few months back o last year. Of course magkaiba ‘yun, magkaibang time, magkaibang senaryo, magkaibang situation state of self ganu’n even the mind,” ani Carla.