Demi Moore nagdiwang ng 60th birthday, hot na hot pa rin kahit senior na
OPISYAL nang isang senior citizen ang American actress at movie icon na si Demi Moore.
‘Yan ay matapos niyang ipagdiwang ang ika-60th birthday ngayong araw, November 13 (oras sa Pilipinas).
In fairness mga ka-Bandera, hindi halatang nasa 60 na si Demi dahil sa batambata pa rin niyang aura, lalo na ang pak na pak pa rin niyang kaseksihan na super fit and healthy pa rin.
Kung titingnan ang kanyang social media, aba, tila hindi siya tumatanda at hot na hot pa rin sa ilang litrato at video na naka-two piece sa beach.
Game na game pa siyang sumasayaw habang kinakantahan ng “happy birthday” song.
Caption niya sa post, “Hitting a milestone birthday feeling loved and grateful! Thank you all for the sweet messages yesterday (heart emoji)”
View this post on Instagram
Nagpaabot din ng mensahe ang maraming celebrities at ilan na sa mga nagkomento sa kanyang video ay sina Michelle Pfeiffer, Eiza Gonzalez, Rita Wilson, Laura Day, Arianne Phillips, at marami pang iba.
Bumati rin sa kanya si Emma Heming Willis, ang asawa ng kanyang ex-husband na si Bruce Willis.
Sa Instagram post ay ibinandera pa ni Emma ang litrato ng kanyang mister kasama si Demi at may caption pang, “Happy Birthday @demimoore We love you inside and out.”
Matatandaang noong 1987 nang ikinasal sina Bruce at Demi, pero nag-divorce din sila noong 2000 at nanatiling magkaibigan.
Mayroon silang tatlong anak na sina Rumer, Scout at Tallulah.
Taong 2000 din nang ikinasal si Demi sa ikalawang asawa na si Ashton Kutcher pero naghiwalay din matapos ang anim na taon.
Ilang lamang sa mga pelikulang pinagbidahan ni Demi ay ang “Ghost,” “G.I. Jane,” “Indecent Proposal,” “Disclosure,” at marami pang iba.
Read more:
‘10 Bawal Kainin ng Seniors’ ni Doc Willie Ong trending sa YouTube: Hinay-hinay o iwas nalang tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.