MAY bagong pelikula ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro!
Kasalukuyan siyang nasa Canada at abala sa taping ng upcoming movie project.
May titulo itong “Kahel” pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na detalye tungkol dito.
Sa Instagram, nag-update ang aktres at ibinandera ang kanyang unang araw ng taping noong November 12.
Kwento pa niya, hindi niya lubos na akalaing matutuloy pa ang proyekto.
Dalawang taon na raw kasi itong nahinto dahil sa pandemya.
Post ni Glaiza, “After two years, we are finally able to start! I honestly thought this project is not going to push through because of covid restrictions pero perfect timing lang talaga (folded hands emoji) Exciting times ahead (Canada flag emoji) (orange heart emoji)”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng proyekto ang aktres sa ibang bansa.
Noong nakaraang lamang ay isang buwan siyang nanalagi sa South Korea para sa reality TV show na “Running Man Philippines.”
Last year lang siya huling bumida sa pelikula na pinamagatang “Midnight In A Perfect World.”
Gayunman ay suki naman siya sa ilang teleserye at TV shows kabilang na riyan ang “First Lady,” “Prima Donnas,” “Encantadia,” at marami pang iba.
Matatandaang noong nakaraang taon lang nang magpakasal si Glaiza sa Irish businessman na si David Rainey sa Northern Ireland.
At dahil wala ang pamilya ng aktres sa kasal, plano ng couple na muling magpakasal next year sa Pilipinas.
Sey ni Glaiza sa naunang interview, “It was a hard decision kasi syempre mahirap dalhin ang buong pamilya ko du’n. Ilan kami, parang 20 plus kami buong pamilya.
“Para sa amin, if we can have two weddings, why not, di ba? A Filipino wedding and an Irish wedding. You know we can have the best of both worlds.”
“Pinaghandaan talaga namin, nagpaalam ako, nagpaalam naman siya. We actually had a meeting with both families. We discussed it with them. That’s actually the reason why I went there last September,” paliwanag pa niya.
Taong 2018 nang unang nagkakilala ang dalawa sa Siargao at noong 2020 naman nang mag-propose si David kay Glaiza.
Read more: