Bukod diyan ay nasabat din ng mga awtoridad ang P212,000 halaga ng shabu.
Sa Camarines Sur, arestado sa Naga City ang drug suspect na kinilala bilang si Antonio Abias, 44 years old.
Ayon sa pulisya, narekober kay Abias ang 20 grams ng shabu na may halagang P136,000 at isang .38 caliber na baril.
Sa bayan naman ng Nabua, nahuli si David Pornillos, 61 years old, na kung saan ay nakuhaan ang suspek ng P47,600 worth ng shabu at marijuana.
Sa Albay, inaresto sa bayan ng Polangui si Edward Sañosa, 22 years old, dahil sa pagbebenta ng 1.35 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P9,180.
Ayon sa mga pulis, si Sañosa ay kilala bilang “street-level drug peddler.”
Sa Tabaco City ay nadampot ng mga pulis si Ryan Rances.
Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng shabu na worth P6,256.
Sa Daet, Camarines Norte naman ay nahuli si Raymond Dionicio, 26 years old, matapos magbenta sa isang undercover agent ng limang sachet ng shabu na may halagang P13,600.
Ang mga nahuling drug suspects ay nahaharap sa mga isinampang reklamo na “violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”
Read more:
Ama ng suspek sa Ateneo shooting patay matapos barilin sa Basilan
Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado