Marc Pingris: Nu’ng niyakap ako ng tatay ko at tinawag na ‘my son’ 3 times, first time kong naramdamang nabuo ‘yung pagkatao ko

Marc Pingris: Nu'ng niyakap ako ng tatay ko at tinawag na 'my son' 3 times, first time kong naramdamang nabuo ‘yung pagkatao ko

Danica Sotto, Marc Pingris at Jean Marc Pingris

SI Danica Sotto pala ang nag-effort at gumawa ng paraan para mahanap ni Marc Pingris ang kanyang ama na ilang dekada niyang hindi nakita at nakasama.

Ibinahagi ng dating PBA player sa publiko kung paano sila nagkita ng kanyang tatay at kung ano ang naramdaman niya nu’ng araw na magkrus muli ang kanilang landas.

Lumaki si Marc ng walang ama at mag-isa lamang siyang itinaguyod ng kanyang nanay kaya naman kapag daw tinatanong siya kung ano siyang klaseng ama ay nahihirapan siyanh sumagot.

Sa latest YouTube vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, nagkuwento nga si Marc hinggil sa pagiging tatay sa mga anak nila ni Danica.

“Alam mo minsan nahirapan ako sagutin (anong klaseng tatay) dahil lumaki ako ng walang daddy. Ang hirap kasi di ko napagdaanan, eh.

“Sa akin talagang ginagawa ko lang as a dad, ibinibigay ko ‘yung needs nila, ‘yung pagmamahal ng isang ama na hindi ko naranasan before,” sey ng dating cager.

Patuloy pa niya, “Nakukuha ko na lang sa brother ko kung paano niya ako inalagaan before so lahat ng tinuro niya sa akin, iyon ‘yung mga tinuro ko sa mga anak ko.

“Si mother ko rin and my sister, kung ano ‘yung paga-guide nila sa akin before, iyon ‘yung ginagawa ko sa mga anak ko,” lahad ni Marc.

Dito na nga niya naikuwento na si Danica ang naging instrumento para makita niya ang ama, “I’m so blessed na na-meet ko si Danica dahil siya ‘yung nakahanap ng daddy ko.

“Nu’ng malapit na kaming ikasal ni Danica, na wala akong idea papunta akong practice, hinahanap na pala niya ‘yung father ko that time,” aniya.

Ang unang nahanap ni Danica ay ang kapatid ng tatay ni Marc at ito ang gumawa ng paraan para magkausap sila, “Nag-usap kami ng dad ko sa phone. Sorry to say wala talaga akong naramdaman na pagmamahal. Mas iniisip ko ‘yung mother ko that time.

“Nagselos kasi mama ko that time. Sinabi ko talaga kahit anong mangyari hindi kita ipagpapalit. Kasi umiiyak siya eh, ‘Baka mas mahal mo na daddy mo,’ ganyan-ganyan. Sabi ko, ‘No, Ma.’

“So nag-decide kami pagkatapos ng wedding pumunta kami ng France to meet my dad,” sey ni Marc.


Inamin ng dating PBA star na nagdalawang-isip siya na makipagkita sa ama sa Paris kung saan ito nakatira. Gusto na raw talaga niya noong bumalik na lang sa Pilipinas.

Kinausap daw siya ni Danica at kinumbinse na makipagkita man lang sa kanyang tatay kahit sandali bago sila umuwi ng Pilipinas.

“Nu’ng nandon na kami sa airport sa Paris, kasi matangkad ‘yung dad ko eh, same height kami, 6’4” din ‘yung dad ko. Nu’ng nakita ni Danica, sabi niya, ‘Yung dad mo nandoon na.

“So nu’ng nakita ko, yeah kamukha ko nga rin. Nang papalapit nang papalapit, talagang ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Sobrang kinakabahan ako, nanginginig ako, hindi ko alam kung ano ‘yung gagawin ko talaga pero nung niyakap niya ako, nawala ‘yung galit ko, solid.

“Nu’ng niyakap niya ako at tinawag niya akong my son three times, first time in my life nakaramdam ako na buo ‘yung pagkatao ko. Nabuo ‘yung pagkatao ko,” kuwento ni Marc.

Sa tanong kung ano ang naramdaman niya nu’ng mga oras na yun, “Love and forgiveness. Hindi ako makapaniwala na ganu’n kabilis. 26 years tapos isang yakap lang nawala na agad.

“Minsan nga sa pelikula napapanood mo hindi naman ‘yan totoo eh pero nung nangyari sa akin totoo nga. I don’t know, sabi nga ni Danica si Lord ‘yun kasi sobra ‘yung galit sa kanya,” pahayag pa ni Marc Pingris.

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Marc Pingris inamin ang tunay na dahilan ng pagreretiro sa PBA; Danica, anak napaiyak

Marc Pingris nag-retire na sa PBA: #PinoySakuragi15 signing off…

Read more...