Albie Casino hindi ‘fan’ ng kasal: I don’t know if marriage is going to work for me

Albie Casino hindi 'fan' ng kasal: I don’t know if marriage is going to work for me

Albie Casino

ISA ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casino sa mga male celebrities na hindi masyadong  “fan” ng kasal.

Inamin ng binata na hindi siya ang tipo ng lalaki na iniisip ang pagpapakasal.

“Siguro at this point in my life, hindi talaga ako sure. I’m not really… feeling ko kasi medyo outdated yung concept ng kasal. I don’t know, I don’t want to get into it,” ani Albie sa virtual presscon ng bagong pelikula niya sa Viva Films, ang “Call Me Papi.”

Sey ni Albie, naniniwala siya na pwede namang mag-work ang kasal sa ibang tao pero sa kanya, “Hindi ako sure so much. Pero I believe marriage can work. Pero I don’t know if marriage is going to work for me.”

Samantala, natanong din si Albie sa presscon ng “Call Me Papi” na isang barkada movie, kung naranasan na ba niya na puro tungkol sa sex ang pinag-uusapan nila ng kanyang mga kabarkada.

“Based on my experience, kahit naman po ata sa mga babae they talk about their sexcapades hindi lang naman exclusively sa lalaki yon. Totoo nangyayari talaga yung mga ganyan.

“Pero ako, hindi ako masyadong nakikipag-ano sa ganun. Hindi ako masyadong makuwento. Siguro nung younger ako, oo.

“Pero ngayon na older na ako parang hindi na siya yung nagiging topic namin maasyado. So feeling ko you outgrow that stage. Ngayon mas nagiging topic ang pera, kung anong magandang negosyo,” sagot ni Albie.

Sumunod na tanong, mahalaga ba s sa kanya ang virginity ng magiging dyowa? “Since you’re talking about virginity, I think, it equates also to ‘body count.’


“Ako talaga, nasa firm belief ako na it’s none of your business who your girl’s been with in the past, what she’s done in the past, di ba?

“Of course, if there are red flags, there are red flags. It’s not a good idea to disregard red flags. Pero when it comes to things like that, being a virgin, I really don’t think that matters,” mariing sagot ni Albie.

Dugtong niya, “I don’t know. Maybe, that’s just me. For me, if I’m dating someone, the only thing that matters is the two of us and the future, how we move forward, and not what happened before. It’s not a big deal for me.”

Samantala, makakasama ni Albie sa “Call Me Papi” sina Enzo Pineda, Lharby Policarpio, Royce Cabrera at Aaron Concepcion. Sa kuwento, sama-sama silang nakatira sa isang apartment at may kanya-kanyang trabaho.

Kuwenti ni Albie tungkol sa bago niyang movie sa Viva, “Na-realize ko nakaka-relate ako sa lahat ng character. Parang each character has something I can relate to.

“Pero if I have to pick one, of course, feeling ko mas naka-relate ako sa character ko because I played him, eh. Parang marami ring similarities yung nakikita ko sa sarili ko with my character.

“He’s always stressed about something. Like, when I got older, I just feel like I’m so much more stressed now.

“There’s so many things to be stressed about. I can relate to all of them naman but I can relate to my character the most,” aniya pa.

Showing na sa mga sinehan ang “Call Me Papi” simula sa December 7, mula sa direksyon ni Alvin Yap.

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Albie Casino: Hindi talaga ako galit sa gobyerno, bad trip lang ako sa…

Dingdong tumatakbo noon nang naka-adult diaper, military boots: Talagang pagtitripan ka!

Read more...