Kyline Alcantara inalala ang magkasunod na pagpanaw ng lolo’t lola: Napakahirap, napakasakit…
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Mavy Legaspi at Kyline Alcantara
NAGING emosyonal ang Kapuso actress at singer na si Kyline Alcantara nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang lolo at lola.
Ayon sa dalaga, ang pamamaalam ng kanyang “Papa Ben” at “Big Mama” noong kasagsagan ng pandemya ang isa sa pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya.
Ang pinakamasakit pa raw ay hindi niya nakita ang kanyang lolo noong mga huling araw nito sa mundo dahil ito rin yung panahon na nasa lock-in taping siya para sa serye niya sa GMA 7 na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit”.
“So si Papa Ben kasi nung namatay siya, biglaan lang. Nagkaroon siya ng heart attack tapos nagte-taping ako noon ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit.’
“Nag-pandemic umuwi kami sa Bicol for three months and then bumalik kami sa Manila para mag-work ako para sa show kasi ‘yun ‘yung time na puwede na mag-taping pero lock in,” simulang pagbabahagi ni Kyline sa latest episode ng podcast nila ni Mavy Legaspi na “MavLine on Me.”
Pagpapatuloy ng aktres, “Habang nagpe-prepare ako for the lock in, Papa Ben died. It’s very sudden sa’kin kasi hindi sinasabi ni Mama na lagi na daw pumupunta ng hospital si Papa Ben kasi ayaw niyang ma-distract ako.”
“It was really hard because hindi na ako puwedeng bumalik ulit sa Bicol. ‘Yun ‘yung pinakamahirap kasi last time ko siya nakita months ago na.
“So, nagte-taping kami, ang sakit kasi lahat sila nandun. Nandu’n sila sa funeral. Prior to that lagi ko sila ka-facetime inaasikaso ko ‘yung flower arrangements ni Papa Ben, ‘yung burol niya, and lagi ko rin pinapasaya si Big Mama kasi of course namatay ‘yung love of her life.
“Tapos nu’ng taping na, libing na ni Papa Ben, ‘yun ‘yung naka-facetime I was crying on my own habang nasa facetime. ‘Yung pumapasok lang sa isip ko nu’n how I wish, like I would do anything para makita si Papa Ben for the very last time.
“So, that was really, really hard and after that kailangan ko ulit mag-switch to work mode. Siyempre nasa taping kami and ayoko naman maging cause of delay ako,” lahad pa ni Kyline.
Ilang buwan lamang ang lumipas ay ang lola naman niya ang namatay, “Nu’ng time na nangyayari lahat ng ‘yun, nu’ng si mama nakikita ko sa floor, nasabi na sa akin ‘yung balita, siguro dahilan din ‘to na parang ever since bata pa ako artista na ako, nag-aantay ako ng ‘cut.’
“Nakikita ko si Mama tapos nag-aantay ako ng ‘cut’ from a director kasi hindi din ako makapaniwala. Even though accepted ko na siya pero parang siyempre you don’t want to lose someone that you really really love,” emosyonal na pagbabahagi Ni Kyline.
Inamin ng dalaga na may pagkakataon na napapatanong na lang siya kung bakit kailangang “umalis” ang mga mahal natin sa buhay.
Pero aniya, dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo at lola ay mas na-appreciate at mas pinahahalagahan pa niya ngayon ang mga taong nakapaligid sa kanya.