ISA sa mga natatanging “eligible bachelor” ay ang sikat na Hollywood actor na si Chris Evans.
Pero may bali-balita na hindi na raw single ang binansagang “Sexiest Man Alive.”
Ito na kaya ‘yung sinasabi ng aktor sa isang interview kamakailan lang na gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya?
Ni-reveal mismo ng American weekly magazine na “People” na isang taong na palang may ka-date si Chris.
Kinumpirma raw ito ng isang pinagkakatiwalaan nilang source.
Ayon pa sa ulat ng magazine, ang nakabihag sa puso ng aktor ay ang Brazilian-Portuguese actress na si Alba Baptista.
Seryoso raw umano ang dalawa sa kanilang relasyon at bet din daw ng pamilya ni Chris ang babae, ayon sa nakalap ng People.
“The two have been dating for over a year and it’s serious,” saad ng naturang source.
Aniya, “They are in love and Chris has never been happier.
“His family and friends all adore her.”
As of this writing, wala pang inilalabas na pahayag ang aktor, pati na rin ang aktres.
Ang latest movie project ni Alba ngayong taon ay ang kanyang pagganap sa comedy drama film na “Mrs. Harris Goes to Paris.”
Tampok din siya sa fantasy damra series ng Netflix na “Warrior Nun.”
Isa ring award-winning actress si Alba na kung saan ay nakatanggap siya “Shooting Star” award sa Berlin Film Festival.
Samantala, itinanghal naman kamakailan si Chris ng People’s magazine bilang “Sexiest Man Alive” ngayong taon.
Nag-umpisang makilala si Chris sa ilang television shows, pero lalo siyang sumikat nang gampanan niya ang superhero na si Captain America sa Marvel Cinematic Universe.
Ang kanyang latest project ay ang Netflix action movie na “The Gray Man” kasama ang Canadian actor na si Ryan Gosling.
Read more:
Chris Evans ‘Sexiest Man Alive’ ngayong taon: My mom will be so happy!
Chris Evans posibleng lumipad papuntang Pinas
Fil-Am actress Sumalee Montano bidang-bida sa bagong Hollywood movie: ‘What a surreal feeling…’