GINULAT ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang madlang pipol sa bagong video na uploaded sa kanyang social media pages.
Sa video clip ay ikinuwento ng actress-singer na kasalukuyan siyang nasa isang photoshoot para sa promo ng kanyang album.
“I’m becoming more active on social media with the help of my friends and my husband so with their encouragement and support, mas magiging active po ako,” pag-amin ni Sarah.
Ibinahagi rin niya na ibang version na ng kanyang sarili ang masasaksihan ng publiko at ng kanyang mga tagasuporta sa bagong mga kantang kanyang iri-release.
“I’m not trying so hard to give them a new Sarah G. era. Siguro growth lang as an artist and when you say growth, I really want to be true to myself.
“Songs that really speak to my heart and soul na rin ’cause for the past years, I have been selecting songs. Hindi ako ganu’n ka-active sa songwriting but always naman nandudu’n ‘yung collaboration,” lahad ng asawa ni Matteo.
Dagdag pa niya, “Collaborative ‘yung relationship ko with the songwriters and, arrangers, producers. But now, nagbibigay ako ng mga concept and then if there’s tweak na alam kong manggagaling talaga, mas authentic sa’kin then, I do it.”
Nagkuwento rin ang actress-singer sa kanyang nararamdaman sa bagong chapter ng kanyang karera.
“There’s excitement, there’s also konting fear. Parang pinapakita ko unti-unti… Hindi naman for the longest time fake na Sarah ang nakikita nila. Siguro ‘yung Sarah lang na mas tao na hindi natatakot ipakita na nalulungkot siya o natatakot siya, kung masaya siya,” chika pa niya.
Marami naman sa kanyang tagasuporta ang natuwa at naaliw sa kanyang mga bagong update.
“Sarah you look awesome ibang iba pero full of positivity in life. take cre and God bless,” comment ng isang netizen.
Sey nama ng isa, “You are my one and only favorite local artist! I love your new songs and the way you look as well. Matteo must be taking good care of you and vice versa! Glad that you are more active on social media.”
Sa ngayon ay out na ang kanyang bagong single na pinamagatang “Dati Rati”.
Related Chika:
Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?
Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya
Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud