DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events

DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events

MAHIGIT isang buwan nalang, pasko na!

Kaya naman, muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) tungkol sa pagsusuot ng face mask.

‘Yan ay sa kabila ng pagpapatupad ng boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor places.

Nanawagan ang DOH sa mga kababayan na sana ay patuloy pa rin ang kanilang pag-iingat lalo na’t uso sa panahon ngayon ang Christmas gatherings.

Sa isinagawang media forum ng DOH nitong November 11, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dapat maging responsable at kung maaari ay sumunod pa rin sa nakagawiang minimum health standards.

Sey ni Vergeire, “Unang-una, pareho pa rin ang ating health protocols, that we are implementing sa ngayon. So alam natin that we are continuously easing our restrictions. We now have voluntary use of face masks both indoors and outdoors.”

Dagdag pa niya, “So paalala po ng Kagawaran ng Kalusugan, alam po natin na dapat lahat kung ano ‘yung risk level natin kung kailan tayo magtatanggal ng mask at kung kailan sa tingin natin hindi dapat at dapat tayo na naka-mask.”

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na bagamat lumuwag na ang mga restriksyon pagdating sa COVID-19, hindi ibig sabihin ay ligtas na tayo sa virus.

Makokonsidera pa rin daw na high-risk sa pagkalat ng sakit ang ilang events na kung saan ay may maraming tao.

Sabi ni Vergeire, “Pangalawa, siyempre parating na ang pasko, marami po tayong parties na pupuntahan. Maraming mga gatherings na maraming tao, reunion ng pamilya, Christmas parties, and all.”

“We know that these kind of events are high-risk at dito kapag high-risk ang sinasabi natin, dito ‘yung mas mataas na tsansa na ikaw ay magkakaroon ng sakit kung sakasakali,” saad pa niya.

Inirerekomenda rin ng ahensya na kung maaari ay magpabakuna na ng first booster shot kontra COVID-19 ang mga kababayan.

“So sa tingin ko, at gusto nating ipaalala sa ating mga kababayan. We strongly recommend that everybody gets vaccinated, received their first boosters or received their second dose at mag first booster na para mas protektado po kayo,” ayon kay Vergeire.

Ani pa ng opisyal, “Para alam po natin sa darating na kapaskuhan, wala po tayong restriksyon na base po sa alert level system natin when halos lahat ng local governments ay alert level one na.

“So wala po tayong restriction as to aid or maybe the capacity kaya tayo nagpapaalala na sana po tayo na mismo sa ating mga sarili magkaroon ng informed decision kung kailan tayo pupunta sa isang pagtitipon at maraming tao ay kailangan natin kung ano ang preventive measures na gagawin natin.”

Read more:

Read more...