John Lapus tumaas ang kilay kay Ronnie Liang ukol sa paggawa ng porn movies: So walang ‘self-respect’ ang gumagawa?

John Lapus tumaas ang kilay kay Ronnie Liang ukol sa paggawa ng porn movies: So walang 'self-respect ang gumagawa?
DIRETSAHANG sinagot ng direktor at komedyanteng si John Lapus ang pahayag ni Ronnie Liang sa social media ukol sa offer sa kanya para gumawa ng sexy at porn movies.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi naman ng comedian-director ang kanyang saloobin hinggil sa pahayag ng singer.

“So walang ‘self-respect’ ang gumagawa ng porn?” tanong ni John.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang kanyang tanong sa mang-aawit.

“Madam John Lapus, baka he just wanted to say was ‘Hindi niya kaya mag-porn na after his hard work and achievements, para sa kaniya mawawala na ang respect niya para sa mga naabot niya’, baka ganun lang nman (Just saying),” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “Ayan nagmamalinis kasi oh di nag-backfire. Huwag kasing feelingero. Just say no kung ayaw sa project at huwag na magpa-press release para mapag-usapan lang.”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Ronnie matapos niyang ibahagi sa social media ang kanyang pagkakadismaya nang makatanggap ng offer para gumawa ng porn movies.

 

“I got pissed off and disappointed. I was offered and urged to do PORN movies. Thanks, but NO thanks po. I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya,” saad ni Ronnie sa kaniyang Facebook account ngayong Huwebes, Nobyembre 10.

“Without trying to brag, I am already an Army Reservist Officer, a pilot, a Master’s degree holder, a Brand Ambassador of some companies, and other government agencies. Madami pa po ako pwedeng gawin at pag ginawa ko yan madaming mawawala sa akin,” pagpapatuloy pa niya.

Chika pa niya, isa siyang Christian at okay lang daw kung wala siyang movie or project basta hindi siya gagawa ng porn movies.

Kalakip ng mahabang post ay ang kanyang topless photo sa swimming pool at sinabing hanggang doon lang daw ang kaya nitong i-offer.

Samantala, wala pa namang tugon si Ronnie hinggil sa mga comments ng netizens maging sa tanong sa kanya ni John Lapus.

Related Chika:
John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang

John Lapus naka-relate sa ‘How to Move On in 30 Days’: One new boyfriend after

John Lapus inakusahang binu-bully si Duterte; Ogie ipinagtanggol si Raffy sa madlang pipol

Maris binansagan ni John Lapus ng ‘next romcom queen’, lelebel na kina Toni, Angelica at Regine

Read more...