PROUD na ibinandera ng Filipino world boxing champion na si Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang simpleng buhay bilang delivery rider at food supplement dealer.
Sa kanyang latest Facebook post noong November 8 ay talaga namang pinag-usapan at hinangaan ang boxing champ matapos ipasilip ang kanyang trabaho sa kasalukuyan.
“Sorry for the late delivery,” saad ni Donnie sa kanyang post kalakip ang selfie kung saan suot-suot nito ang unifor ng food delivery services.
Mayroon ring ibinahaging video clip ang boksingero kung saan makikita ang naging dahilan kung bakit na-delay ang pagkaka-deliver niya ng order ng isang costumer.
Sa sumunod namang post ni Donnie ay ibinandera niya naman ang isa pa niyang trabaho.
Makikita sa post na nakasakay siya sa kotse habang hawak hawak ang food supplement product na kanyang ibinibenta.
“Ako mismo ang maghahatid at magdidiscuss sa inyo kung ano ang mga health benefits ng supplements na to,” sey ni Donnie sa kanyang post.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa sipag ng boksingero.
“Salute, Sir Donnie!” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Still one of the greatest pinoy boxer! Big salute to you Sir!”
Si Donnie, ay isa sa best active junior-bantamweight boxers sa buong mundo.
Ilan pa sa kanyang mga achievements ay ang ay ang pagiging world champion sa apat na weight classes: minimum weight, light flyweight, flyweight, at junior bantamweight.
Related Chika:
Donnie Nietes nagtala ng knockout win sa USA
Donnie Nietes habol ang ika-4 world boxing title sa Macau
Donnie Nietes palalawigin pa ang paghahari sa Pinoy Pride 33
Ahas Nietes, El Gamma Penumbra, Hilmarie Nimo bidang-bida sa 65 taon ng ABS-CBN