Ahas Nietes, El Gamma Penumbra, Hilmarie Nimo bidang-bida sa 65 taon ng ABS-CBN | Bandera

Ahas Nietes, El Gamma Penumbra, Hilmarie Nimo bidang-bida sa 65 taon ng ABS-CBN

Bandera |May 03,2019
facebook
share this

Ahas Nietes, El Gamma Penumbra, Hilmarie Nimo bidang-bida sa 65 taon ng ABS-CBN

Bandera - May 03, 2019 - 12:20 AM

El Gamma Penumbra, Hilmarie Nimo at Donnie Nietes

MALAYO na ang narating ni Donnie “Ahas” Nietes na mula sa pagiging janitor ay pinakatanyag na bituin ngayon ng ALA Gym at pinakamatagal na kampeon ng Pilipinas sa mundo ng boksing.

Ibabahagi ni Donnie, na tubong-Murcia, Negros Occidental, ang kanyang pagkamit sa tagumpay sa tribute video na ipapalabas sa ABS-CBN at ipo-post sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kaugnay ng ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN.

Ikukuwento niya at ng kanyang mga kapamilya kung paano nagbago ang kanilang buhay sa patuloy niyang pag-angat bilang kampeon sa apat na dibisyon, na nasubaybayan nila at ng sambayanang Pilipino sa “Pinoy Pride” series at mga balita sa ABS-CBN.

“Masayang-masaya (ako) kasi nakapagbigay ako ng karangalan sa aming bayan at siyempre sa buong Pilipinas.

“Hanggat kaya ko magbibigay ako ng karangalan sa ating bansa. Proud ako na isang taga-Murcia ay nakilala sa buong mundo dahil sa ABS-CBN,” aniya.

Maliban kay Donnie, ibibida rin ang mga kwento ng pagsisikap at tagumpay ng shadow play group na El Gamma Penumbra at ang abogadang si Hilmarie Nimo.

Sa isang apartment nagsimula ang pangarap ng unang kampeon ng Asia’s Got Talent bago tuluyanng sumikat nang maging contestant at finalist sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN.

Dito na bumuhos ang mga guesting at nakasama rin sila sa kampanya para sa turismo ng Choose Philippines.

Ngayon, nakatakda silang lumaban sa World’s Got Talent at sila naman ang nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga kabataang nangangarap ring makilala sa mundo.

Si Hilmarie naman, tiniyaga ang paglalakad ng tatlong oras makapagaral lang.

Sa tulong ng ABS-CBN at Knowledge Channel, nagawang makatapos ng abogasya ni Hilmarie at naiahon na rin ang pamilya sa kahirapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ma-inspire sa mga #KwentongKapamilya nina Donnie Nietes, El Gamma Penumbra at Hilmarie Nimo na tampok sa tribute videos na mapapanood pagkatapos ng TV Patrol at ipo-post sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa pagdiriwang ng 65 taong paglilingkod sa publiko ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending