MAY bagong pagkilala ang magandang isla ng Palawan matapos bansagang “Most Desirable Island” ng London-based travel magazine na “Wanderlust.”
Pinuri ng magazine ang tanawin ng isla at inilarawan pa ito bilang “heaven on earth.”
Bukod diyan ay nabanggit din ng Wanderlust ang ilan pa sa mga tourist attraction ng isla, ang “Kayangan Lake” at ang world’s longest underground river na ang “Puerto Princesa Subterranean River National Park.”
Pahayag ng travel magazine, “The scenery here is heaven on earth with sparkling waters and white sand beaches.
“One of the most photographed sites is Kayangan, a dazzling freshwater lake with spectacular rock formations above and below the surface.”
Dagdag pa nito, “Elsewhere on the island you can explore one of the world’s longest underground rivers, enjoy a spot of twitching, or fuel up with some delicious cuisine in the island’s capital of Puerto Princesa.”
Ang Wanderlust ay ang pinakamatagal na travel magazine sa United Kingdom.
Lubos namang nagpapasalamat ang Department of Tourism (DOT) sa nakuhang parangal ng Palawan.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco,“On behalf of the Department of Tourism, we thank the readers of Wanderlust Magazine for their love and support for the Philippines! These awards reflect the efforts to revive the tourism industry that are well underway especially because of the Marcos administration’s thrust towards prioritizing tourism development.”
Aniya, “Rest assured that we will continue with our mission to herald the Philippines and the Filipino brand to the world, and to ensure the continued sustainability of our islands.”
Kamakailan lang ay sunod-sunod na kinilala ng iba’t-ibang kilalang magazine mula sa iba’t-ibang bansa ang Pilipinas.
Ngayong taon ay napabilang ang ating bansa bilang parte ng “40 Most Beautiful Countries in the World” ng luxury and lifestyle magazine na Conde Nast Travel (CNT).
Napasama sa listahan ng “25 Best Islands in the World” ng Travel + Leisure magazine ang Boracay, Palawan, at Cebu.
Nasa listahan din ng TIME magazine ang Boracay bilang isa sa “50 World’s Greatest Places of 2022.”
Read more:
Tarlaqueña kinoronahang Miss Philippines Earth 2022 sa Coron, Palawan