IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pinakabagong man-made tourist attraction ng probinsya, ang “Igorot Stone Kingdom.”
Sinabi sa Facebook post ng Baguio City Public Information Office na ipinag-utos ni Baguio Mayor Benjamin Magalong nitong Miyerkules, November 9, ang pagsasara ng theme park.
Ayon kay Magalong, Ang Igorot Stone Kingdom ay walang business at building permit.
Bukod pa riyan ay mayroon itong isyu pagdating sa kaligtasan na ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ay prone ito sa landslide.
Anunsyo sa FB post, “City government offices led by the City Permits and Licensing Division serve the closure order to the management of the Igorot Stone Kingdom today, 9 November 2022.
“Mayor Benjamin Magalong ordered the padlocking of the popular tourist spot for failing to comply with the permit requirements and due to safety issues following questions on the structural stability of the constructions. – APR”
Dahil sa pagsasara ng man-made tourist attraction, hindi bababa sa 70 na pamilya ang maaapektuhan.
Maraming netizens naman ang umaasa na muli itong magbubukas at heto ang ilan sa mga komento na aming nabasa mula sa post ng Baguio PIO.
“Temporary close lang naman..speed up your business permit stone kingdom..MGA KABABAYAN ABANGAN ANG MULING PAGBUBUKAS NG KINGDOM OF STONE…”
“I hope it gets opened again after compliance with the requirements. Although it’s true that it’s quite expensive and there’s really nothing much there.”
“Hindi pa ako nakapasyal close agad (crying emoji)”
“mag-comply lang naman sila ng business permit if mabigyan sila then ma-reopen.”
Ang Igorot Stone Kingdom ay matatagpuan sa Long-long Road, Pinsao Proper.
Noong nakaraang taon ito nagbukas sa publiko.
May lawak itong 6,000-square-meter na kung saan ay ipinagmamalaki nito ang kultura ng mga Igorot, at pagiging malikhain ng mga katutubo sa pagggawa ng “stone walls” na inihalintulad sa Rice Terraces ng Banaue.
Read more:
Baguio may bonggang Christmas decor, patok na patok sa mga turista