Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Kapuso couple Juancho Trivino at Joyce Pring magkaka-baby No. 2 na, paandar ang pregnancy reveal

Juancho Trivino at Joyce Pring

MASAYANG ibinalita ng Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na very soon ay magkakaroon na ng isa pang baby sa kanilang tahanan.

Yes, yes, yes, mga ka-Marites! Magkakaroon na nga ng kapatid ang panganay nilang si Alonso Eliam Pring dahil buntis na si Joyce sa ikalawang anak nila ni Juancho.

Ibinalita ng mag-asawa ang good news sa kani-kanilang Instagram account sa pamamagitan ng isang cute na cute na pregnancy reveal video with matching may “special effects” pa.


Makikita sa video si Juancho na nakatayo malapit sa camera habang ipinakikita ang kanyang nakasarang kamao. Kasabay ng background music ay binuksan niya ang mga kamay.

Biglang umapir sa eksena si Joyce kasama ang anak na si Alonso Eliam. At dito nga makikita ang baby bump ng TV host habang nagsasayaw.

Ang nakalagay sa caption ng video ay, “THERE’S A BABY IN MAH BELLY.  Baby number TWO coming in hot this April 2023!!! Surprise!!!

“It’s been getting harder and harder to hide my big bump so here we go  #TheTrivinos #TeamTrivino #bundleofjoyth,” ang pagbabahagi pa ng mag-asawa.

Ikinasal sina Juancho at Joyce noong February 9, 2020. July last year naman isinilang ang kanilang panganay.

Joyce Pring umaming maraming pinagdaraanan ngayon, buong pamilya ang may sakit

Joyce isinilang na ang panganay nila ni Juancho: love you, my son! Thank you…

Juancho kay Joyce: Crush na crush pa rin kita, I will always open the door and wash the dishes for you

Read more...