Xian Gaza ipinagyabang ang P463-M net worth: Para maramdaman ng haters ko kung gaano sila kahirap

Xian Gaza ipinagyabang ang P463-M net worth: Para maramdaman ng haters ko kung gaano sila kahirap

Xian Gaza

IBINANDERA ng internet at social media personality na si Xian Gaza ang kanyang kayamanan sa publiko kung saan makikitang malapit na siyang maging bilyonaryo.

Shookt ang netizens nang mabasa ang isang Facebook post ng binatang negosyante na nagkukumpirma ngang nasa mahigit P463 million na ang kanyang net worth.

Walang takot na ipinost ni Xian ang detalyadong breakdown ng kanyang yaman na ikinaloka ng mga netizens, hindi raw nila akalain na ganu’n pala talaga ka-rich ang binata.

Diretsahan namang inamin ni Xian na hindi niya ibinahagi sa publiko kung magkano na ang kanyang net worth para magsilbing inspirasyon sa ibang nangangarap na yumaman. Gusto lang daw talaga niyang asarin at inggitin ang mga bashers.

“Posting this not to inspire but to brag. Para maramdaman ng mga haters ko kung gaano sila kahirap. Hahaha.

“Buti na lang wala akong asawa, walang kahati,” ang caption ni Xian sa kanyang Facebook post last Tuesday.

Base sa dokumentong ipinost ni Xian, makikita ang detalyadong breakdown ng kanyang assets na may kabuuang halaga na P501,704,700. Ang liabilities naman niya ay nasa P38,125,308.

Ngayong buwan ng Nobyembre, ang total assets niya ay P463,579,392. At sa susunod na taon, sana raw ay maabot na niya ang P1 billion-mark net worth at maging debt-free goal next year.

Base sa mga social media post ni Xian, may mga negosyo at investment daw siya iba’t ibang bansa kabilang na ang Dubai at Thailand.

Samantala, sa isa pa niyang FB post mababasa ang kanyang mensahe patungkol sa pagkakaroon lagi ng positive energy para sa mas lalong ikauunlad ng buhay ng bawat tao.

“Sinusumpa ko na lahat ng makakabasa nito ay makakaramdam ng ginhawa this month sa financial difficulties na kanyang pinagdadaanan.

“This is not law of attraction. This is positive energy na pinapasa ko sa inyo mula sa swerte ko sa buhay,” ang pahayag ni Xian.

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

Aga Muhlach: Fish vendor ka, security guard, market vendor ka, lahat kayo bida sa akin!

Star Magic nagbabala sa publiko laban sa mga scammer na nanghihingi ng pera sa mga gustong mag-audition

Read more...