Robi Domingo walang sama ng loob kay Zeinab Harake: Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina…

Robi Domingo walang sama ng loob kay Zeinab Harake: Ba't naman ako magagalit kung totoo naman na mahina...

Zeinab Harake at Robi Domingo

PARA sa Kapamilya TV host na si Robi Domingo, mas mahalaga pa rin ang relasyon niya bilang TV personality sa kanyang “audience” kesa sa tinatawag na “market.”

Nadamay si Robi kamakailan sa issue ng content creator na si Zeinab Harake at ng ilan pang sikat na celebrity vloggers na nag-ugat sa pasabog ng talent manager at YouTuber na si Wilbert Tolentino.

Sinabihan kasi siya ni Zeinab na “walang market” base sa inilabas na screenshot ni Wilbert mula sa kanilang group chat.

Isa ito sa napag-usapan sa bagong vlog ng news anchor na si Bernadette Sembrano kung saan inamin ni Robi na may pagkakataong naisip din niya ang tungkol dito.

Sey ng binata, 14 years na siya sa entertainment industry sabay dialogue ng, “Parang ang tagal na kaya naisip ko, may market ba ako?”

Tawa nang tawa si Bernadette sa sinabi ni Robi kaya naman diretsahan na siyang tinanong tungkol sa “walang market” issue.

“I would be lying if I say I don’t care about that. I had my frustrations. Lalung-lalo na, ‘Asan na ba talaga ako? Kailan ba ako magkakaroon ng break? Bakit ba palagi akong sidekick. Bakit ba palagi akong pinapadala sa malalayong lugar?’

“And then I realized, I needed to go to those places para mas mapagtibay ko yung credibility at mas malaman ko yung istorya. And kapag magawa mo yun and when you’re inside the studio, mas may sense ka.

“At mas may bigat yung relationship mo with the contestants, with the staff, at mas nagta-translate yun sa manonood,” pahayag ni Robin.


Nagbigay din ng kanyang saloobin ang TV host sa pagiging toxic ng social media ngayon na ikinaka-stress ng karamihan sa mga gumagamit nito.

“Over the years, nalaman ko rin, lalung-lalo na this social media game, ‘no, it’s stressful especially when you think about the numbers, the analytics, the number of subscribers.

“Minsan, it doesn’t make sense, gagawa ka ng isang content tapos, ‘Kala ko ito yung patok, hindi pala.’

“But you will come to a realization na minsan sa buhay, hindi importante ang market. Dahil mas importante yung audience.

“And when you have that audience, who would react to you and know kung ano yung sinasabi mo, I think mas pang-long term yun.

“When you have a market, parang nagbebenta ka, di ba, you’re trying to… everything is a business. When you have an audience, you relate. And much more than the market, I would love to have that audience,” lahad ni Robi.

Samantala, sa mga nagdududa naman sa kakayahan niya bilang TV host, ito ang nasabi ng binata, “Here’s a thing, nu’ng lumabas yung issue na yun, wala talaga akong say.

“I don’t want to say na wala akong pakialam, pero hindi ako na-affect that much kasi alam ko yung story.

“Alam ko yung context. And totoo naman. Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina yung algorithm? And there’s a different world for each content creators.

“And some content creators make content not for the numbers but it’s their outlet for creativity. It’s their outlet to let their voices be heard.

“Naniniwala ako du’n sa content na ginagawa namin na, ‘Okay, konting viewers, konting views,’ but if it promotes yung mga pinaniniwalaan ko, lalung-lalo na education ng kabataang Pinoy and health, and when you spit out facts, du’n ako.

“That’s why it’s called YouTube, e, it should focus on you,” sabi niya.

Napag-usapan din nina Robi at Bernadette ang tungkol sa engagement nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda.

Nag-propose si Robi kay Maiqui sa makasaysayang Shibuya crossing sa Tokyo, Japan. Sumunod na tanong sa binata kung ano ang expectations niya kapag kasal na sila ng kanyang fiancée.

“Kasi si Maiqui yung ano, e, minsan I have to be honest din na minsan nalilihis ako, kasi parang sa dami ng nangyayari. Here comes the lady, Maiqui, telling me, ‘What’s the point of all of this? Anong purpose natin?’

“Ayun, binabalik niya ako on track. Hindi lang balanse, e, talagang binobomba niya, pinupukpok ako sa ulo.”

“Mas kampante na ako at mas handa na akong harapin ang buhay dahil alam kong pag tumingin ako sa gilid, okay, tama yung ginagawa ko,” pahayag pa ni Robi Domingo.

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Donita Rose certified chef na sa Amerika; may mga pasabog kasama si G Tongi

Vice: Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ‘ko o kung magaling pa ba ‘ko!?

Read more...