Bella Poarch nag-sorry sa mga fans matapos ilihim ang pagpapakasal: ‘I will address my divorce when I am ready’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bella Poarch
MAY mga nangnenega sa Filipino-American TikTok star na si Bella Poarch dahil sa kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon, pero marami pa rin namang Filipino fans ang nagpahayag ng suporta sa kanya.
Na-turn off ang ilang supporters ni Bella dahil sa pagtatago niya sa katotohanang matagal na pala siyang kasal sa asawang si Tyler Poarch.
Nitong nagdaang November 6, shookt ang mga fans ng sikat na TikTokerist nang lumabas ang report ang entertainment website na TMZ na nag-file siya ng divorce para ipawalang-bisa ang kasal nila ni Tyler.
Base sa ulat, January, 2019 nangyari ang “secret marriage” nina Bella at Tyler.
Kahapon, November 9, inamin na nga ni Bella na naghain na siya ng divorce sa korte para tapusin na ang mahigit apat na taon nilang pagsasama ng asawa dahil sa “irreconcilable differences.”
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bella ng mensahe para sa lahat ng kanyang mga tagasuporta kung saan inamin nga niya ang tungkol sa pagpapakasal kay Tyle.
Kasabay nito humingi rin siya ng paumanhin sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya, “I’m sorry if everyone thinks I’ve been keeping a secret.
“I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler’s privacy.
“My team will be taking over my socials and posting certain obligations that need to be fulfilled,” pahayag ni Bella na nakilala sa kanyang mga trending na kantang “Build a B*tch,” “Inferno,” at “Dolls.”
Dugtong sabi pa ng TikTok sensation, “I will be taking a break from social media.”
Pero kung may mga na-bad trip at nabwisit kay Bella, may mga fans pa rin siya na nagpaabot ng suporta sa kanya at nangakong patuloy siyang susuportahan kahit na inilihim niya ang pagpapakasal noon.
Si Bella ay nakilala rin ng mga Pinoy nang aminin niyang may crush siya sa Kapamilya actor at “Darna” lead star na si Joshua Garcia. Tinawag pa niya ang binata bilang kanyang “favorite actor” at “biggest Filipino crush.”