Miss International pageant may mobile app na rin | Bandera

Miss International pageant may mobile app na rin

Armin P. Adina - November 09, 2022 - 12:34 PM

Maaring i-download nang libre ang Miss International mobile app sa Google Play Store at sa Apple App Store

Maaring i-download nang libre ang Miss International mobile app sa Google Play Store at sa Apple App Store./MISS INTERNATIONAL FACEBOOK IMAGE

 

IPINAKITA na ang bagong koronang gagamitin para sa ika-60 edisyon ng Miss International pageant ngayong taon. Ngunit hindi lang iyon ang pagbabago sa Japan-based na patimpalak. Naglabas din ito ng isang mobile app upang mapaigting ang engagement nito sa mga tagasubaybay simula sa kompetisyon ngayong taon.

“It is said that nearly 60 to 70 percent of smartphone users would rather use an app than browsing websites on their phones. Having an app makes it easier for most people to access the relevant information about our incoming pageant and the activities in Japan,” sinabi sa Inquirer ng marketing manager ng Miss International pageant na si Stephen Diaz sa isang online interview.

Mula nang makapasok sa organisasyon noong 2018, taon-taon na raw niyang hinihikayat ang lideratong maglabas ng app, ngunit ngayong taon lang niya nakamit ang pahintulot na nagbigay-daan sa pagsisimula ng proyekto. Sinabi ni Diaz na kinausap niya ang mga kaibigang Finnish sa Choicely upang tulungan silang mag-develop ng app.

“I wanted to reintroduce web voting, and having an app was part of the deal presented to me by Choicely. The main purpose was for the voting app,” ibinahagi niya.

Sinabi ni Diaz na tiniyak niyang magiging user-friendly ang app. “Choicely makes the best pageant apps, and they are doing a great job in helping me with the updates and other relevant features,” aniya.

Maaari nang i-download ang app nang libre sa Google Play Store para sa android users, at sa App Store para sa Apple devices. Magsisimula sa Nob. 30 ang online voting, at makapapasok sa Top 15 ang kandidatang makakukuha ng pinakamaraming boto.

Nagbahagi rin si Diaz ng ilang detalye kaugnay ng disenyo ng bagong korona, na ginawa ng Vietnamese company na Long Beach Pearl, na wala ang iconic na velvet cap, fur trim, at white ribbon.

Si reigning Miss International Sireethorn Leearamwat ang huling nagsuot ng lumang korona.

Si reigning Miss International Sireethorn Leearamwat ang huling nagsuot ng lumang korona./ARMIN P. ADINA

“They asked us if we intend to keep the velvet cap and ribbon. It was ICA (International Cultural Association, organizer ng Miss International pageant) who decided not to follow the Mikimoto style because that’s a patented signature look,” aniya.

Mikimoto ang dating crown sponsor ng Miss International pageant.

Sinabi ni Diaz na inatasan nila ang Vietnamese jewelry company na lumikha ng disenyong “wearable for whatever hairstyle” sapagkat naging mahirap dati ang “putting the crown on someone with a high bun hair.”

Dumalo sa pagpapakita ng bagong korona sa Ho Chi Minh City sa Vietnam noong Nob. 5 si reigning queen Sireethorn Leearamwat, ang unang winner mula Thailand, na siya ring pinakamatagal na nagreyna para sa organisasyon, at ang huling titleholder na nagsuot ng lumang korona.

Nanalo si Leearamwat noong 2019, at hindi siya nakapagsalin ng korona sa isang tagapagmana noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ibinahagi rin ni Diaz na kasalukuyang gumugulong ang negosasyon sa mga kinatawan ng dalawang bansa “who are finalizing their bid to host Miss International in 2023 and 2024.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Binibining Pilipinas Hannah Arnold ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-60 Miss International pageant. Itatanghal ang coronation program sa Tokyo Dome City Hall sa Japan sa Dis. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending