Enzo Pineda pinatigil na ni Michelle Vito sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa pelikula

Enzo Pineda pinatigil na ni Michelle Vito sa paghuhubad at pakikipagchurvahan sa pelikula

Enzo Pineda at Michelle Vito

MAY bahid pala ng katotohanan ang chika na sinabihan daw ni Michelle Vito ang kanyang boyfriend na si Enzo Pineda na tumigil muna sa paggawa ng sexy movies.

Nitong mga nakaraang taon kasi ay nalinya ang aktor sa mga pelikulang kailangan niyang magpakita ng katawan at makipag-love scene sa kanyang mga nakakatambal.

In fairness naman kay Enzo na itinanghal na First Prince sa reality talent search ng GMA 7 na “StarStruck” na umere noong 2009, marami-rami na rin siyang achievements sa showbiz.

Kabilang na riyan ang kanyang FAMAS best supporting actor award para sa pelikulang “He Who Is Without Sin”. Nakagawa na rin siya ng ilang teleserye sa GMA 7 at ABS-CBN.

At makalipas nga ang ilang taon, muling magbibida si Enzo sa upcoming barkada comedy movie ng Viva Films at Feast Productions, ang “Call Me Papi” na isinulat at ididirek ni Alvin Yapan.

Gaganap dito si Enzo bilang si Sonny, isang gym instructor na natanggal sa trabaho nang patulan ang isa niyang client na may asawa na pala.

Makakasama niya sa movie sina Royce Cabrera bilang si Lito, Albie Casino as Ben, Lharby Policarpio as Mario at Aaron Concepcion bilang  Roy.


Sa naganap na virtual storycon at presscon ng “Call Me Papi”, natanong nga si Enzo kung totoong pinagbawalan na siya ng kanyang dyowang Kapamilya actress na si Michelle Vito.

“I understand naman where she is coming from. She’s conservative and just looks after my well being.

“She says kapag masyado akong na-typecast sa sexy roles, baka hindi na ako kunin for other kinds of films and I think that she has a valid point,” katwiran ni Enzo.

Samantala, like na like raw ng binata ang role niya sa “Call Me Papi”, “My character here is sawi sa pag-ibig. He is searching for love.

“I am happy to be part of this movie kasi I can relate with all the characters in it. May bits and pieces sa mga pinagdaraanan nila na naranasan ko rin.

“But in the end, this is a feel good movie about friendship and family that viewers can easily relate with,” chika pa niya.

Sey naman ni Direk Alvin, saktung-sakto raw sa panahon natin ngayon ang kuwento at tema ng “Call Me Papi”, “Sabi kasi nila, we’ve gone through a lot due to the pandemic.

“Gusto nila, mapasaya lang ang mga manonood. The message of the movie is ‘Walang Iwanan’, anuman ang ating pinagdaraanan kahit pa pandemic yan, the important thing is we’re all in this together,” aniya pa.

“The movie was shot in a span of three years because it was stalled by the pandemic.

“It’s really a miracle na natapos namin ito, kasi we started shooting it before the pandemic and each time we’d continue, we’re stopped by new lockdowns and restrictions because of the virus.

“So we’re now very thankful that after three years, natapos namin ito last July at ipapalabas na siya sa mga sinehan on December 7,” pagbabahagi ni Direk Alvin.

Hirit ni Enzo Pineda kay Michelle Vito: Your love and kindness inspire me to become a better man

Enzo kay Michelle: Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magmahal ng isang anghel…

Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

Read more...