17 biktima ni ‘Paeng’ sa Maguindanao missing pa rin, posibleng ‘di na hanapin
TILA nawawalan na ng pag-asa ang mga rescuer sa Maguindanao sa paghahanap ng mga naging biktima ng bagyong Paeng.
Kasalukuyang nasa 17 katao pa rin ang nawawala at hanggang ngayon ay ‘di pa rin sila nakikita.
Na-interview ng radio station na dzBB ang Maguindanao provincial administrator lawyer na si Cyrus Torreña at nabanggit nga niya na ngayong araw, November 7, pagdedesisyunan ng lokal na pamahalaan kung itutuloy pa o ititigil na ang isinasagawang search and rescue operations.
Ayon pa kay Torreña, inabisuhan na sila ng Philippine Coast Guard (PCG) na ihinto na ang paghahanap at sa halip ay tumutok nalang sa retrieval operations.
Ibig sabihin daw nito ay mapapasama ang 17 missing sa bilang ng mga namatay.
Sey ng abogado, “That means, we have to accept the possibility that there are no more survivors among the 17 missing.”
Base sa latest official tally ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ibinahagi nitong Linggo, November 6, umabot na sa 37 katao ang nawawala at kabilang na riyan ang 17 sa Maguindanao.
May sampu naman sa Western Visayas, apat sa Calabarzon, tatlo sa Eastern Visayas, at may tig-isa sa Cagayan Valley, Mimaropa at Cordillera Administrative Region (CAR).
Umakyat naman sa 156 ang naitatalang patay dahil sa bagyong Paeng.
Noong nakaraang buwan pa nanalasa sa bansa ang bagyong Paeng at limang beses itong tumama sa lupa.
Narito ang mga lugar kung saan nag-landfall ang bagyong Paeng:
• Virac, Catanduanes (Oct. 29, 1:10 a.m.)
• Caramoan, Camarines Sur (Oct. 29, 1:40 a.m.)
• Buenavista, Quezon (Oct. 29, 6:00 a.m.)
• Santa Cruz, Marinduque (Oct. 29, 8:40 a.m.)
• Sariaya, Quezon (Oct. 29, 1:40 p.m.)
Read more:
4 na rehiyon nasa ilalim na ng ‘State of Calamity’ dahil sa bagyong Paeng
Lyca Gairanod apektado sa pananalasa ng bagyong Paeng: Sira na ang bahay namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.